Binatang milyonaryo dahil sa negosyo niyang kangkong chips, ibinahaging pamilya niya ang kanyang inspirasyon sa nakamit na tagumpay

Binatang milyonaryo dahil sa negosyo niyang kangkong chips, ibinahaging pamilya niya ang kanyang inspirasyon sa nakamit na tagumpay

Kahit na’y musmos pa lamang, nararamdaman na talaga natin ang bawat sakripisyo ng ating mga magulang upang mabigyan lamang tayo ng maganda at maginhawang buhay pero may mga pagkakataon talaga na hindi na natin kinakayang masaksihan pa ang kanilang paghihirap kung kaya’t natututo talaga tayong tumayo sa sarili nating mga paa upang kahit papaano ay maibsan ang sitwasyon ng pamilya.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Sa sobrang hirap ng buhay, mayroon talagang natututo nang magbanat ng buto upang matulungan ang kanilang mga magulang pagdating sa mga gastusin kaya imbes na ibuhos ang buong oras sa pag-aaral o ‘di kaya’y pagkakaroon ng oras na aliwin ang sarili sa paglalaro ng iba’t-ibang mga laro online at pamamasyal kasama ang mga kaibigan, hindi naman ito ang naging sitwasyon ng binatang si Josh Mojica dahil simula pa lamang noong siya’y 17 taong gulang ay pinasok na niya ang mundo ng pagnenegosyo.

Matapos makitaan ng malaking potential ang crispy kangkong ng kanyang tiyahin, sinubukan umano itong gawin ni Josh at ibinenta at kung noo’y mga kaibigan, kamag-anak at mga kapitbahay lamang ang binebentahan niya ng kangkong chips, ngayon naman ay umaabot na ito sa iba’t-ibang sulok ng bansa.

Sa interview ng “Pera Paraan,” inamin ni Josh na mahirap para sa kanya ang pag-uumpisa ng ganitong klaseng negosyo pero dahil inspirasyon niya ang kanyang pamilya, nalampasan umano niya ang lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Pagkukuwento ng binatang millionaire, naisipan daw niyang pasukin ang pagnenegosyo upang makasama niyang muli ang kanyang pamilya dahil simula noong siya’y bata pa lamang, kinailangan umano niyang mawalay sa kanyang ina upang magtrabaho sa Manila habang nasa pangangalaga siya ng kanyang lolo’t lola.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“Nag-start ako ng business that time kasi hindi maganda ‘yung kalagayan namin sa bahay. Hindi kami financially free,” kuwento ni Josh.

Dahil sa pagpupursige at tagumpay na nakamit ni Josh, hindi lamang umano niya nabuong muli ang kanilang pamilya dahil ayon sa kanyang Momshie Christine, tinupad umano niya ang lahat ng pangarap niya para sa anak.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“Sobrang swerte kong magulang kasi kahit naging mahigpit ako sa anak ko, imbes na magrebelde siya, pinatunayan niya ang sarili niya,” emosyonal na saad ng Mommy ni Josh.

Sa ngayon, patuloy na pumapatok ang kangkong chips ni Josh lalo na’t mayroon na rin itong magkakaibang flavors tulad ng classic, bbq, cheese, spicy, sour cream, at honey butter. Kasabay sa kanyang lumalagong business, may marami na rin siyang resellers at nakabili na rin siya ng sasakyang pang-deliver tsaka secured na din financially ang kanyang pamilya.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Sa edad na 18, isa na si Josh Mojica sa mga batang milyonaryo sa Pinas!

Ysha Red

error: Content is protected !!