Boxing champ na si Donnie Nietes, ginulat ang netizens sa pagsabak niya sa pagiging isang delivery rider!

Boxing champ na si Donnie Nietes, ginulat ang netizens sa pagsabak niya sa pagiging isang delivery rider!

Hindi talaga natin nabibigyan ng hustisya ang lahat ng ating sinasabi maliban na lamang kung napagdaanan natin ito katulad na lamang ng trabaho ng mga delivery rider na hindi lamang simpleng naghahatid ng orders sa kanilang customers dahil dumadaan din sila sa napakaraming hamon sa araw-araw na talaga namang sumusubok sa kanilang pasensya.

Credit: Donnie Ahas Nietes Facebook

Kahit na’y karamihan sa atin ay hindi masyadong pamilyar sa larangan ng boxing, may konting kaalaman pa rin naman tayo tungkol nito katulad na lamang ng pagkakakilanlan natin sa iilang sikat at successful na Pinoy mga boksingero katulad na lamang ni Donnie “Ahas” Nietes na naging world champion sa apat na weight classes. Dahil sa kanyang nakakamanghang abilidad sa nasabing sport, marami talaga siyang napapabilib pero tila’y hindi lamang kakayahan niya sa boxing ang meron siya dahil kumakailan lamang, ginulat lang naman niya ang netizens nang ibinahagi niyang pinasok niya ang pagiging isang delivery rider.

Credit: Donnie Ahas Nietes Facebook

Nito lamang nakaraang Martes, ibinahagi ng boxing champ sa Facebook ang larawan niyang nakasuot ng pink na uniform sa isang sikat na kompanya ng food delivery.

“Food panda delivery 🐼,” sulat ni Donnie sa kanyang caption.

Sa post niyang ito, kasalukuyan na itong umaani ng 51,000 likes at 15,000 shares kung saan ay pinapaulanan naman ng netizens ang comment section ng sandamakmak na papuri habang mayroon namang iilan na idinadaan sa mga biro ang kanilang paghanga.

“Pa order po sir. 2 pcs upper cut, 1 large right hook, 1 regular straight jab.”

Credit: Donnie Ahas Nietes Facebook

“5star rating or 1-2 combination na sukli?”

“Panigurado walang mag cacancel ng order dito sa taong ito 🤣”

“Pa order po ng 1 piece left hook with blackeye”

Matapos ibinahagi ng boxing champ ang balitang sumasabak na siya sa pagiging isang delivery rider, ipinasilip din niya ang iilan sa struggles na madalas na nararanasan ng kapwa niya riders at ito ay ang pagkakalubog ng gulong ng kanyang motor sa putik habang OTW sa kanyang paroroonan.

Credit: Donnie Ahas Nietes Facebook

Sa kanyang interview sa PTV4 kumakailan lamang, nilinaw ni Donnie na “for fun” lamang ang kanyang ginagawa at dahil gusto rin niyang maranasan ang trabaho ng delivery riders.

“Just for fun lang iyon. Binili ko lang yun [t-shirt] sa Lazada or sa Shopee,” aniya.

Of course, hindi naman talaga naiiwasan na makatanggap ng negatibong mga komento pero mas pinili naman ni Donnie “Ahas” Nietes na mag-focus sa comments ng mga taong natutuwa sa kanyang ginagawa lalo na’t tunay naman kasi talagang hindi biro ang trabahong pinasok ng boksingero.

Ysha Red

error: Content is protected !!