Boy Tapang, aminado man na minalas sa mga Pinay, mapalad naman siya sa kanyang Filipino-American na girlfriend!

Boy Tapang, aminado man na minalas sa mga Pinay, mapalad naman siya sa kanyang Filipino-American na girlfriend!

Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay maswerte tayo sa pag-ibig ngunit kapag magkakasunod-sunod na talaga ang ating pagkabigo sa kapwa kababayan natin ay mapapaisip na lamang tayo na baka hindi nga tayo para sa isang Pinoy kundi ay para sa isang foreigner at pinatunayan lang naman ito ni Boy Tapang nang buong lakas niyang ipinakilala sa madla ang kanyang mestizang jowa!

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Unang sumikat si Ronnie Suan aka Boy Tapang dahil sa walang arte niyang pagmu-mukbang ng hindi pangkaraniwang mga pagkain katulad na lamang ng buhay na ipis, bulate, at iba pa pero sa likod ng kanyang proclamation na isa siyang matapang na nilalang, aminado siyang may kahinaan din siya at ito ay ang mga babae.

Katulad natin, nasasaktan din ang damdamin ni Boy Tapang kaya nang nakaranas siya ng heartbreak nito lamang nakaraang taon, labis talaga siyang pinanghinaan ng loob at muntik nang sumuko sa pag-ibig hanggang naagaw ng isang magandang dilag na si LJ Satterfield ang kanyang pansin.

Sa pinakabagong episode ng KMJS, ibinahagi ni Boy Tapang na foreigner umano ang kanyang “dream girl” pero hindi umano niya kailanman inakalang magkakatotoo ito nang nag-reply sa sandamakmak niyang mga mensahe si LJ, isang Filipino-American mula sa Cebu, hanggang nagkamabutihan nga sila at naging official na magjowa.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

“Gusto ko foreigner talaga. Iyon talaga ‘yung dream girl ko. Kahit panget ako, may pangarap din ako,” natatawang saad ni Boy Tapang.

Pagkukuwento ni Boy Tapang, nagsimula umano ang lahat nang nakita niya sa social media ang larawan ni LJ at kaagad na nahulog ang kanyang damdamin para sa dalaga. Kahit na’y may mga pagdududa man noong una, pinangunahan pa rin ng lakas ng loob si Boy Tapang at nagpapansin nga siya kay LJ.

Noong una, simpleng curiosity lamang ang nararamdaman ni LJ kay Boy Tapang pero nang nakita niya ang makwela at nakakatawang vlogs nito, nabuhay ang kanyang interes at hindi nga nagtagal, nahulog sila sa isa’t-isa.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

“Sobrang kulit niya. Kwela kasi siya tapos pinapasaya niya ako,” sabi ni LJ.

Ayon kay LJ, kaagad umano silang nag-click ni Boy Tapang kaya talagang naging smooth ang kanilang relationship. Ngayong ramdam na ni Boy Tapang na nasa tamang tao na siya, hindi na talaga siya nagpatumpik-tumpik pa at official nang ipinakilala sa publiko ang kanyang Fil-Am na girlfriend!

Sa revelation na ito ni Boy Tapang, marami naman ang natuwa at kinilig dahil maliban sa kanilang nag-uumapaw na chemistry, isa rin silang “match made in heaven.”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Aminado man si Boy Tapang na kahinaan niya ang mga babae, tila’y lakas naman niya ang kanyang mestizang jowa!

Ysha Red

error: Content is protected !!