Couple na bagong kasal mula sa Bulacan, nagbigay ng makabuluhang lesson tungkol sa usapang wedding

Sa patuloy na pagbabago ng mundo, natural lamang na mag-shift ang iilan mula sa traditional o nakasanayan na mga gawain at mas piliin ang simple ngunit practical na pamamaraan katulad na lamang ng usapang wedding kung saan ay dapat palagi itong bongga pero maaari rin naman na simplehan ito. After all, hindi naman nawawala o kumukupas ang pagmamahalan ng dalawang tao.
Credit: @paobgarciaph Tiktok
Hindi na naman bago pa para sa kalaaman ng karamihan sa atin na magastos talaga ang wedding ngunit dahil nakasanayan na ang pagkakaroon ng bonggang kasal, marami talaga ang napapasubo sa paggastos ng malaking pera ngunit para sa couple na si Paola Bernardo-Garcia at Ploy Thadeus Garcia mula sa Bulacan, tila’y hindi umubra ang bonggang “tradition” na ito dahil pareho nilang napagkasunduan na magkaroon lamang ng intimate na wedding kung saan ay tanging 30 lamang ang kanilang guests.
@paobgarciarph Received 2 gifts from him and this is my FAVORITE 🤪 #weddinggift #fyp #married2022 ♬ original sound – Paola Bernardo-Garcia – Paola Garcia
Ayon sa groom na si Ploy, mas mainam umano maging practical lalo na sa panahon ngayon at dahil magsisimula na sila ng pamilya, dapat talaga na marunong silang mag-budget at maglaan ng sapat na pera at savings para sa kanilang future.
Advance mag-isip? Hindi. Practical lamang.
Credit: @paobgarciaph Tiktok
“Kasi sa panahon ngayon, dapat maging praktikal tayo. ‘Yung mga blessing na natatanggap natin, dapat ginagamit natin ng tama. Kasi syempre pag sinasabing kasal nandun ‘yung gastos kaya from the start pa lang nagusap na kami na dapat ‘yung budget ganito lang tapos di natin kailagan magpakasal ng bongga,” saad ni Ploy.
Kahit na’y simple lamang ang napiling kasal, sinigurado naman ni Ploy na mas maging special pa ang event na ito para sa kanyang bride sa pamamagitan ng kanyang surpresa kung saan ay niregaluhan niya si Paola ng kuwintas at passbooks ng kanilang savings na naglalaman lang naman ng isang milyon!
Credit: @paobgarciaph Tiktok
Sa video sa mismong kasal ng couple, maririnig si Paola na napapahiyaw ng, “Oh my God, pera nga! One million ‘yan. Wow! San galing ‘yun? Ang dami ko nang pera!”
Credit: @paobgarciaph Tiktok
Kahit na’y simple at intimate lamang ang kanilang kasal, nakaukit na naman ang magandang plano ng couple para sa kanilang future dahilan kung bakit marami sa netizens ngayon ang inspired sa dalawa.
Credit: @paobgarciaph Tiktok
“Hindi natin kailangan i-please ‘yung ibang tao. Hindi mo kailangan magpabongga ng kasal, mag-show up. Mas importante… galing tayo sa pandemic, mas okay na maging matalino tayo sa paggastos,” payo ni Ploy.