Dating domestic helper sa Hong Kong, isa nang Masteral graduate ngayon sa New York University

Blur at hindi talaga natin nape-predict ang ating kinabukasan. Marahil ay marami sa atin ang sigurado na sa kanilang daang tatahakin o hindi kaya’y nakikita na ang kanilang sarili sa kanilang napiling larangan, marami rin naman ang palaging nag-aalala sa kanilang kahihitnan lalo na’t hindi naman lahat ng tao ay nabigyan ng pareho-parehong pribilehiyo sa buhay.
Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook
Kung kadalasan sa mga taong may edad na 19 ay nasa paaralan, malayang nangangarap, nag-eenjoy kasama ang mga kaibigan, nakakagawa ng mga pagkakamali, at naghahanda sa kanilang pagpasok sa reality ng mundo, isang kabaliktaran naman sa mga ito ang pinagdaanan ng Pinay dreamer na si Xyza Cruz Bacani dahil sa napakamurang edad, napilitan siyang pasukin nang mas maaga ang realidad.
Dahil sa kahirapan, hindi na matustusan ng pamilya ni Xyza ang kanyang pag-aaral sa kursong Nursing kaya napagdesisyunan niyang magtrabaho na lamang bilang isang domestic helper sa Hong Kong.
Hindi man pag-aaral kundi pagbabanat ng buto ang naging layunin ni Xyza nang pumunta sa Hong Kong, naging malaking tulong naman para sa kanya ang photography na siyang naging daan ng kanyang kasikatan kung saan ay napansin ng CNN at New York Times ang kanyang kulay black&white na mga larawan.
Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook
Sa pagsikat niya bilang isang photographer, nag-offer ang New York University ng scholarship sa programa ng M.A in Arts Politics kahit na’y walang degree si Xyza. Dahil sa kanyang pagpupursige, parte siya ng Class of 2022 ng unibersidad.
Sa kanyang post sa Instagram, nagpahayag ng pasasalamat si Xyza sa NYU at sa kanyang mga magulang na siyang naging inspirasyon at dahilan ng buong pagkatao niya.
“I am a graduate of Masters in Arts and Politics at New York University Tisch. Even without a college degree, NYU took a chance on me. I am a scholar and grateful to people who paved the way for me to dream, who saw my potential and extended their generosity. I am in awe of your beauty and grace,” ayon kay Xyza.
“I am grateful to my mama and papa who taught me kindness and grit.”
Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook
Nanggaling sa kahirapan at walang kahit anong privileges, sobrang proud ang Pinay dreamer sa kanyang achievements.
Sa huling bahagi ng kanyang caption, mababasa ang: “I am an artist. I always have been and always will be an artist in service because I am not my circumstances.”
Dahil sa excellence ni Xyza, talagang puring-puri sa kanya ang isa sa NYU professors na si Michael Purugganan na nagsabing sobrang proud siya sa achievement ni Xyza.