Dating kasambahay sa Hong Kong, buhay-donya na ngayon dahil sa ipinamanang kayamanan ng dating amo

Dating kasambahay sa Hong Kong, buhay-donya na ngayon dahil sa ipinamanang kayamanan ng dating amo

Tunay nga ang matandang kasabihan nating mga Pinoy na ” kapag may itinanim, may aanihin” dahil kapag ikaw ay nagpakita ng kabutihan sa isang tao, sa paglipas ng panahon, ay masusuklian ito ng taong iyong pinakitaan ng kabutihan.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Napatunayan ito ng dating Pinay OFW na si Daisy Bucad-Eng matapos suklian ng kanyang dating pinagsisilbihang amo ang kanyang pagseserbisyo ng kabutihan.

Kamakailan lamang ay naitampok sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento sa likod ng tinatamasang yaman ngayon ni Daisy.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Tanging pagtitinda ng asin lamang ang ikinabubuhay noon ni Daisy. Maagang nag-asawa at nagkaanak si Daisy kaya naman isang araw ay napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa Hong Kong bilang isang kasambahay para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ayon naman kay Daisy, hindi biro ang pinagdaanan niya sa kanyang unang amo kung saan naranasan niyang dalawang oras lamang ang kanyang tulog. Problemado rin daw siya noong mga panahong iyon dahil nabalitaan niyang pakalat-kalat sa lansangan ang kanyang mga anak na naiwan niya rito sa Pilipinas.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Hanggang sa magbago siya ng employer at naging kasambahay siya ng isang Portuguese na nagngangalang Marie. Dito nakaranas na matrato na tila isang tunay na kapamilya si Daisy ng kanyang amo. Kahit nga 900 HK dollars o P2,700 lamang ang sahod ni Daisy ay masasabi pa rin niyang mapalad siya na naging amo niya si Marie.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, nanirahan ng ilang taon ang amo ni Daisy sa Pilipinas matapos itong sumama sa kanya dahil ayaw nitong tumira sa home for the aged. At noong 2002 naman ay binawian ng buhay ang amo ni Daisy.

Tuluyan namang nag-iba ang takbo ng kapalaran ni Daisy nang malaman niyang kasama siya sa last will and testament ng kanyang mabait na amo. Isang araw ay nakatanggap umano siya ng sulat mula sa pamilya nito at inilahad sa kanyang mayroong iniwang pamana ang kanyang amo para sa kanya.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Milyon-milyon halaga lang naman ng mga ari-arian at pera ang iniwang pamana ng amo ni Daisy sa kanya matapos itong pum@naw. Kaya ngayon, ang dating nagtitinda ng asin at kasambahay, may-ari na ng iba’t ibang negosyo at lupain.

Samantala, may mensahe naman si Daisy sa mga kapwa niya OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Aniya, “Sa mga OFW, naghihirap man kayo ngayon, patience and hardwork is the key to success. The overall denominator lang nito ay yung honesty. Kung anumang trabaho ang meron ka diyan, gawin mo na nang tama.”

Ysha Red

error: Content is protected !!