Dating minaliit na waiter, may-ari na ngayon ng maraming negosyo!

Dating minaliit na waiter, may-ari na ngayon ng maraming negosyo!

Sa panahon ngayon, isang pindot lamang sa Maps ay nalalaman na natin ang route sa lugar na ating paroroonan pero hindi ganito kasimple at ka-convenient ang daan sa pagkamit natin ng tagumpay sa buhay dahil kinakailangan nating malagpasan ang maraming pagsubok na ating kahaharapin. Minsan ay naliligaw pa nga tayo ng landas kaya ano nga ba ang sikreto ng mga taong nagmula man sa kahirapan, matagumpay naman nilang nakamit ang kaunlaran sa buhay?

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Masakit na realizations ang ating naaani sa tuwing may kinakaharap tayong pagsubok sa buhay pero imbes na panghinaan ng loob, mas pinili ni Dario Lorenzo na paghugutan ito ng inspirasyon kaya kahit nagmula man sa kahirapan at marami man siyang mapait na mga karanasan, hindi naman niya maipagpapalit ang mga aral na nakuha niya mula sa mga ito na pinaniniwalaan niyang naging daan sa pagkamit niya ng tagumpay.

Sa pagbabalik-tanaw ni Dario, ibinahagi niyang wala umano siyang kaalam-alam sa trabaho ng pagiging isang waiter kaya pinagsumikapan talaga niya itong matutunan.

“Wala akong alam. Kahit na pagbuhos ng tubig, paghawak-hawak ng pitsel, pag-ipit ng tinapay, paghawak ng plato. Mahirap kasi nakatayo ka palagi. Hindi ka pwedeng nakaupo hangga’t may tao,” sabi ni Dario.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa kanyang pagtatrabaho bilang waiter, ibinahagi ni Dario na kaakibat sa kinikita niyang 7,000 kada buwan ay ang pagkakadurog ng kanyang dignidad.

“Sa pagiging waiter, nabastos ako. Parang inu-underestimate ako dahil tinitingnan ka mula ulo hanggang paa,” saad niya.

“Kung minsan, tinataasan ako ng boses lalo na kapag marami ang tao. Sinasabihan nila ako ng ‘Ano ba ‘tong waiter na ‘to? Bakit ang tagal mo?’ Hindi naman siguro sa lahat ng panahon tama ang customer. Tao lang rin naman kami. Marunong mapagod at marunong din masaktan.”

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa industriyang ito, madalas talaga na naririnig at nababanggit ang maxim na “The customer is always right” pero para kay Dario na nakaranas kung gaano kahirap ang pagiging isang service na worker, napatunayan niyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang customers.

Sa kabila ng maraming insultong natanggap at pamamahiyang naranasan niya noong nagtatrabaho bilang waiter, ipinagpatuloy ito ni Dario hanggang nabigyan nga siya ng malaking opportunity na makapagtrabaho sa Abu Dhabi kung saan ay kumita siya ng 25,000 kada buwan. Dahil nito, nakapagtayo siya ng sariling catering business. Bukod nito, nakapagtayo rin siya ng bahay at nagmamay-ari ng farm resort, mga sasakyan at dalawang ektaryang lupa!

Dahil sa kuwentong ito ni Dario, nagsilbi siyang inspirasyon para sa karamihan kaya kahit gaano man kahirap ang buhay, piliin nating magpatuloy at lumaban.

Ysha Red

error: Content is protected !!