Dating UBER driver na kumikita lamang ng iilang daan araw-araw, libo-libong pera na ang kinikita ngayon sa pagnenegosyo!

Dating UBER driver na kumikita lamang ng iilang daan araw-araw, libo-libong pera na ang kinikita ngayon sa pagnenegosyo!

Kapag gusto, may paraan. Ito ang isa sa magagandang qualities nating mga Pinoy dahil kapag may gustong isakatuparan, wala talaga tayong inuurungan.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Marami na tayong kilalang mga negosyante na nagmula sa hirap ngunit sa kanilang pagpupursige ay nagawa nilang makamit ang tagumpay. Isa na nga sa mga ito ay si Nathan Lumaban na patuloy ngayong lumalaban upang ma-achieve ang kaginhawaan ng buhay.

Sa hirap ng panahon ngayon, imposible na talagang makapag-ipon pero ibahin niyo ang self-proclaimed na iponero na si Mr. Nathan dahil nakapagtabi lang naman siya ng malaki-laking pera na ginamit niya sa pagpapatayo ng carwash, mini resto at water refilling station! Amazing, hindi ba?

Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na sa simpleng pag-iipon ay namamay-ari na ngayon ng sandamakmak na negosyo ang dating UBER driver? Mahirap man paniwalaan ngunit ang kuwentong rags-to-riches na ito ni Mr. Nathan ay walang halong biro kundi ay purong katotohanan lamang.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Hindi man niya ibinahagi ng buo ang kuwento kung paano siya kumikita ngayon ng 60k-90k kada buwan, ikinuwento naman niyang dahil ito kay Coach Chinkee Tan na isang expert sa business at kadalasang nagbabahagi ng tips sa pagnenegosyo.

Ayon kay Nathan, nadiskubre umano niya si Chinkee Tan o mas kilala ng karamihan bilang si “Mr. Chink Positive” noong 2016 at simula ‘nun, nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. Isa sa mga aral na napulot niya kay Coach Tan ay ang pag-iwas sa paggastos sa mga bagay na hindi makabuluhan at hindi practical kaya talagang nakaipon siya ng malaki upang makapagtayo ng sarili niyang mga negosyo.

Maliban sa mga negosyong meron ngayon si Nathan, kasalukuyan din siyang nagpapatayo ng resort sa Pampanga. Oh diba, pak bongga!

Credit: Chinkee Tan Facebook

Pagbabahagi pa ni Nathan, priority umano nila ng kanyang asawa na si Rica Mae ang pagpapatayo ng mga negosyo kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin sila sa kanilang dating bahay. Gayunpaman, pareho namang nagkakaintindihan ang couple sa priorities nila sa life.

“Sabi nga ni coach magiging investment ang pagpapagawa ng bhay kung ito ay kumikita ng pera kaya naman tiis muna kami sa maliit na bahay at pag nakaipon na tsaka na kami bibili ng sarili bahay na pwede kahit hindi kumikita,” pahayag niya.

Credit: Chinkee Tan Facebook

Ibinahagi rin ni Nathan ang isa sa mga bagay na kanyang natutunan kay Coach Tan at ito ay ang “knowledge without application is entertainment” na hanggang ngayon ay patuloy niyang isinasabuhay.

Uber driver noon, may-ari na ngayon ng iba’t-ibang negosyo! Iba talaga lumaban sa buhay ang isang Lumaban!

Ysha Red

error: Content is protected !!