Delivery rider prank ng isang OFW para sorpresahin ang kanyang mga magulang, umantig sa puso ng netizens!

Delivery rider prank ng isang OFW para sorpresahin ang kanyang mga magulang, umantig sa puso ng netizens!

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng isang mag-asawang taga Santa Maria, Bulacan matapos silang sorpresahin ng kanilang anak na OFW sa pag-uwi nito sa Pilipinas.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Hindi inaasahan ng mag-asawang Santos ang pagbabalik ng kanilang anak na si Sharmaine na dalawang taon na nilang hindi nakikita. Tulad ng ilan nating mga kababayan na OFW, minsan lang sa ilang taon umuuwi si Sharmaine sa kanyang pamilya na nagtatrabaho sa Singapore. Kaya naman napuno ng emosyon ang muli nilang pagsasama lalo na dahil sorpresa ang pag-uwi ni Sharmaine.

Maraming netizens ang na-touch sa eksenang makikita sa video na ibinahagi ni Sharmaine sa kanyang Facebook account.
Sa nasabing video, makikita si Sharmaine na nakasuot ng uniporme ng isang online shopping mall courier service. Para maging kapani-paniwala ang lahat, nagsuot pa ng helmet si Sharmaine para ipakita na delivery rider talaga siya. Maliban dito, may “fake parcel” din si Sharmaine na gagamitin niya para i-prank ang kanyang mga magulang.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Isang “rider” nga ang dumating sa kanilang bahay at nagsabing may package na nagkakahalaga ng 4,999 pesos na nakapangalan kay Nanay Andrea Santos (Nanay ni Sharmaine).

Nang buksan, bumungad kay Nanay Aida at sa iba pa nilang kapamilya ang isang box ng cellphone. Laking gulat naman ni Nanay Aida dahil wala siyang natatandaang um-order siya ng cellphone kaya tumanggi siyang magbayad sa delivery rider.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Para idokumento ang pangyayari, nagpanggap ang ibang miyembro ng pamilya (na kasabwat ni Sharmaine) na kumuha ng video. Sa puntong ito ng video, hiniling din ng rider na kunan sila ng litrato ni Nanay Aida bilang patunay na inihatid nga niya ang parcel.

At pagkatapos noon, tinanggal ng “rider” ang kanyang helmet at m@sk at tumabi kay Nanay Aida. Sa pagkakataong ito, si Nanay Aida na lamang ang hindi pa nakakaalam na ang “rider” na nakatayo sa tabi niya ay anak pala niya!

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Noong humarap naman si Nanay Aida at makita ang mukha ng “rider” ay dito na siya napasigaw sa sobrang gulat at tuwa. Hindi na rin napigilan ni Nanay Aida na yakapin nang pagkahigpit-higpit ang anak dahil sa labis na pangungulila rito. Kalaunan din ay napaiyak na lamang si Nanay Aida habang yakap-yakap ang anak na matagal na niyang hindi nakikita. Bakas din ang saya sa mukha ng ama ni Sharmaine nang makita niya ang anak.

Samantala, ang puno ng emosyon na muling pagkikita ni Sharmaine at ng kanyang mga magulang ay umantig sa puso ng maraming netizens.

Credit: Sharmaine Santos Facebook

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, ang nasabing video ay nakakuha ng mahigit 8.2 million views at halos 100K reactions sa Facebook.

Ysha Red

error: Content is protected !!