Estudyanteng achiever, kinabiliban ng netizens dahil sa paghahakot nito ng awards!

Marahil ay hindi na bago sa pandinig ng karamihan sa atin ang mga estudyanteng achiever dahil sa exemplary nilang performance pagdating sa academics ngunit tila’y bibihira lamang makatagpo ng isang estudyante na ubod ng katalinuhan na umabot pa talaga sa puntong hinakot nito ang halos lahat ng awards at medalya sa mismong araw ng kanilang graduation!
Bagama’t marami man ang nagsasabi na hindi importante ang grades pagdating sa tunay na mundo, masarap naman sa pakiramdam kapag nakakatanggap tayo ng medalya at awards ngunit mukhang sinagad naman ito ng estudyanteng achiever na si Meckia Mari Villanueva dahil hindi lamang lima o sampu ang kanyang na-garner na awards dahil umabot lang naman ito ng 60!
Sobrang proud sa kanyang achievements na talaga namang deserve niya, ibinahagi ito ni Meckia Mari sa Tiktok kung saan ay ipinakita niya ang nahakot niyang awards at medals. Ipinasilip din niya ang kanyang naging speech sa mismong araw ng kanilang graduation na talaga namang kinabilibab ng karamihan.
Sa kadahilanang hindi ito madalas na nangyayari sa buhay ng isang estudyante, kaagad na nagpaulan ng positibo at magagandang komento ang netizens.
“eto ang biggest flex”
“gusto ko den masakal ng medal”
“Grabeee”
“congratulations po!! ikaw na siguro magiging new motivation ko para mag aral pa ng mabuti”
“Congratulatioooons po. Claiming this positive energy. ”
“congratulations meckia . you deserve it. keep it up the good work. and good luck to your next journey ”
“grabii May Nanalo Na po Congratulations po ”
“the wonderful and biggest awards congratulations “
Hindi talaga biro ang pag-aaral dahil hindi lamang pasahan ng requirements o assignments ang kailangan dahil dapat present din sa bawat pagkakataon ang tiyaga, determinasyon, at dedikasyon pero para kay Meckia Mari, tila’y nasa kanya na ang lahat ng mabubuting qualities bilang isang estudyanteng achiever.
Dahil sa exemplary na achievement ni Meckia Mari, hindi lamang atensyon ng netizens ang kanyang naagaw dahil featured din siya sa sandamakmak na articles at umabot pa nga ang balitang ito sa TV.