Green Soldier ng Baguio na si Jhonwel Reyes, sinabayan ang biro ng netizens patungkol sa kanyang magiging anak

Green Soldier ng Baguio na si Jhonwel Reyes, sinabayan ang biro ng netizens patungkol sa kanyang magiging anak

Ang pangmalakasang talento ni Jhonwel Reyes bilang isang mime performer ang naging daan niya tungo sa kasikatan at sa mahabang panahon, matagumpay naman niyang napanatili ang kanyang katanyagan at kumakailan lamang, muli na naman siyang nag-viral–hindi bilang si Green Soldier kundi ay bilang isang protective na ama sa magiging anak.

Credit: Tito Noel Official Facebook

Bilang isang magulang, wala talaga tayong ibang nais kundi ay ang mabigyan ng maganda at mapayapang buhay ang mga anak kaya sa tuwing may bumabatikos sa kanila, awtomatiko talagang nangingibabaw ang ating pagiging sensitive at pagiging protective katulad na lamang ni Jhonwel Reyes aka Green Soldier ng Baguio City.

Hindi man napapanood sa telebisyon na nagbibigay ng kaaliwan sa mga manonood, isa naman si Jhonwel sa mga sikat na komedyante sa Pinas pero hindi katulad ng iba, hindi niya idinadaan sa salita ang pag-eentertain kundi ay sa pagiging isang mime performer.

Sa maraming taon na pagiging mime performer, marami ng costumes si Jhonwel pero trademark umano niya ang kanyang Green Soldier na costume dahil ito talaga umano ang sobrang pumatok sa madla kaya mapa-online man o hindi, marami talaga ang nakakakilala sa kanya.

Credit: Tito Noel Official Facebook

Bilang isang “public figure” at milyon-milyong followers sa Facebook, marami talaga ang nakasubaybay kay Jhonwel kaya kaagad talaga na naging controversial ang isyu tungkol sa kanyang pagbanat sa palabirong mga komento ng netizen ukol sa kanyang magiging anak na inihalintulad ng karamihan kay Piccolo na isang sikat na karakter sa “Dragon Ball” pati na rin kay Hulk ng “Marvels”.

Sa pagbanat ni Jhonwel sa jokes ng netizens, kaagad siyang nakatanggap ng maraming pambabatikos dahil bilang isang komedyante, hindi umano niya alam tumanggap ng biro. Iilan pa nga sa kanila ay tinawag siyang “iyakin” pero imbes na magpakalugmok, mas pinili ni Jhonwel na ipagsawalang bahala ang panglalait ng karamihan at kumakailan nga ay sinabayan na ang jokes ng netizens.

Sa post ni Jhonwel nito lamang bago, ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang asawa kung saan ay ginaya niya ang suot at pose nito na nakahawak sa baby bump ngunit taliwas sa trademark nilang kulay green, blue naman ngayon ang napili nilang suotin.

Credit: Tito Noel Official Facebook

Sa caption ni Jhonwel, mababasa ang: “AYAW NYONG TUMIGIL AH!
O ETO TATAY MO BLUE!”

Credit: Tito Noel Official Facebook

Sa kabila ng pambabatikos na natanggap ni Jhonwel, marami naman sa kanyang fans ang nagpahayag ng kanilang walang sawang suporta para sa komedyante dahil bilang isang ama, natural lamang na maging protective lalo na kapag anak na ang pinag-uusapan pero ngayong sinasabayan na niya ang mga nakakatawang biro ng netizens, muli namang nanumbalik ang good vibes sa pagitan niya at ng kanyang fans.

Ysha Red

error: Content is protected !!