Housewife na ngayo’y kumikita na ng 120k araw-araw, inaming hindi biro ang pagbebenta online

Housewife na ngayo’y kumikita na ng 120k araw-araw, inaming hindi biro ang pagbebenta online

Walang madaling daan tungo sa tagumpay ngunit kapag may determinasyon at pagpupirsige ay wala talagang imposible sa buhay.

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

Minsan ay ang mga bagay na simple lamang nating interes sa buhay ay pwedeng-pwede pala natin gawing negosyo katulad na lamang ni Brenda Lyn “Mercy” delos Reyos na sumabak sa pagbebenta online dahil sa kanyang pagiging avid na manonood ng mga live selling at pagkahilig sa pamimili online.

“Nagma-mine lang din po ako sa mga nagla-live selling and then na-realize ko, sabi ko, ang dami kong binibili, hindi ko naman nasusuot lahat,” pagbabalik-tanaw niya. “Sabi ko, ‘Kaya ko itong gawin. Gawin ko rin kaya mag-online selling ng damit.'”

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

Bago pa man sumabak sa pagbebenta ng mga damit online, marami na ring pagsubok na pinagdaanan si Mercy katulad na lamang ng pagpupuyat dahil sa pa-aasikaso sa invoice ng orders. Bagama’t blessing man ang pagkakaroon ng sandamakmak na orders, pagod at puyat naman ang kalaban ni Mercy ngunit gayunpaman, sinisigurado naman niyang nabibigyan niya ng de-kalidad na serbisyo ang lahat ng kanyang customers.

Maliban nito, madalas din mabiktima ng mga ‘bogus buyer’ at ‘joy miners’ si Mercy ngunit imbes na magpakalugmok ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang ginagawa hanggang nakamit nga niya ang tagumpay dahil ang noo’y 6k-7k lamang niyang puhunan ay dumoble at trumiple lang naman ng bonggang-bongga!

Nagsimula si Mercy sa pag-purchase ng isang bale ng mga damit na nagkakahalaga ng 6k-7k. Dahil sa kanyang effective na strategy sa pagbebenta online ay palagi talagang sold out ang lahat ng kanyang benta. Kadalasan ay umaabot pa nga sa 100k ang kanyang kinikita sa araw-araw kaya bawing-bawi talaga niya ang kanyang puhunan.

Credit: Brendalyn Delos Reyes Facebook

Hindi na talaga bago para sa mga online seller na mabiktima ng mga scammer kaya kinakailangan talaga ng matindi at mahabang pasensya at pag-unawa upang maabot ang tagumpay kaya isang magandang ehemplo si Mercy para sa kapwa niya sellers dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ay nananatili siyang matatag at determinado.

Ysha Red

error: Content is protected !!