Huling sulat ng isang misis para sa kanyang mister bago pumanaw, kumurot sa puso ng maraming netizens!

Huling sulat ng isang misis para sa kanyang mister bago pumanaw, kumurot sa puso ng maraming netizens!

Maraming puso ang nalungkot dahil sa Facebook post ng isang mister kung saan ibinahagi nito ang natuklasan niyang iniwang sulat ng kanyang namayapang asawa.

Credit: Nestor Mangila Jr. Facebook

Kinilala ang mister na si Nestor Flores Mangila Jr., isang mabuting padre de pamilya sa kanyang asawa at dalawang anak na babae. Ngunit noong 2020, tuluyan nang namaalam ang asawa ni Nestor dahil sa malubhang sakit at naiwan sa kanya ang kanilang mga anak.

Ilang linggo naman matapos pumanaw ang kanyang asawa ay natuklasan ni Nestor ang nakakaantig ngunit sobrang nakakalungkot na liham para sa kanya ng kanyang asawa na isinulat nito sa isang note application noon pang 2019.

“This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her iphone last December 2019. I was able to unlock it a week ago. This is the saddest and most beautiful letter/note I’ve received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko ‘to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami,” sulat ni Nelson sa kanyang Facebook post.

Credit: Nestor Mangila Jr. Facebook

Dagdag niya, “Di man tayo umabot sa ‘until we’re grey and old’ sulit naman yung 15 years natin! Thanks for the adventure, now go have a new one.”

Sa sulat ay sinabi ni Gladys na napakahirap para sa kanya na iwan si Nestor nang napakaaga lalo pa’t hindi pa umano siya nakakabawi sa mga sakit na naibigay niya rito.

Ibinahagi rin ni Gladys na hindi niya mapigilang tanungin ang Panginoon kung bakit napakaaga naman ng kanyang pag-alis.

Para naman kay Gladys, hindi siya natatakot na mawala ngunit ang kinatatakutan umano niya na baka mawala ang kanyang mga alaala at makalimutan niya ang pakiramdam na maging isang ina at asawa.

Credit: Nestor Mangila Jr. Facebook

Ayon din sa kanya, alam niyang malalampasan ni Nestor ang kanyang pagkawala dahil malakas at pinagtibay na umano niya ito.

Laman din ng sulat ni Gladys ang mga huling habilin niya para kay Nestor. Kabilang dito ang paalala niyang ingatan ni Nestor ang kanyang sarili at mamuhay ng isang “stress-free life”.

Ibinigay naman ni Gladys ang kanyang basbas kung mag-aasawa muli si Nestor. At kahit mayroon na umanong bagong ina ang kanyang mga anak, alam naman daw niyang mananatili siyang ina ng mga ito sa kanilang mga puso.

Samantala, hindi maiwasan ng netizens na maiyak matapos mabasa ang iniwang sulat ng asawa ni Nelson. Komento nila:

Credit: Nestor Mangila Jr. Facebook

“Hindi akong nag sswang basahin to khit paulit ulit paulit ulit din akong naiiyak”

“My tears keeps on falling while I’m reading it Sobrang sakit sa puso”

Credit: Nestor Mangila Jr. Facebook

“napaka brave nman nya, may God light your path, and may He gives courage to the ones you left, grabe luha ko”

Ysha Red

error: Content is protected !!