Ilang estudyante sa Saranggani, nagiyakan nang sinabi ng kanilang guro na matatanggal ito sa kanilang paaralan

Ilang estudyante sa Saranggani, nagiyakan nang sinabi ng kanilang guro na matatanggal ito sa kanilang paaralan

Sa relationship na nabubuo sa pagitan ng isang guro at ng kanyang mga estudyante, natural lamang na makaramdam ng matinding panlulumo sa tuwing may baon silang nakakalungkot na balita katulad na lamang ng paglisan kaya kahit kasiyahan ang intention ng isang guro sa Maitum, Sarangani sa kanyang prank ay hindi niya inakalang mauuwi pala sa emosyonal na iyakan ang kanyang klase.

Matatandaan kumakailan lamang ang pag-viral ng isang video ng guro sa Malalag National High School kung saan ay matutunghayan kung paano niya matagumpay na napaniwala ang kanyang mga estudyante na isa umano siya sa teachers na matatanggal sa kanilang paaralan na umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.

Sa video ay mapapanood na seryoso si Sir Jethro Bustamante sa kanyang announcement at matapos niyang banggitin ang malungkot niyang balita ay kaagad na napareklamo ang kanyang mga estudyante.

“Malalag National High School has to trim down–magbawas ng teachers so expected na may subject teachers kayong mawawala. Sadly, kasama ako roon,” anunsyo ni Sir Jethro sa kanyang mga estudyante. “Itong modyul na ‘to, ito na iyong last na pagbibigay ko sa inyo. Tomorrow, lunch time, I will be going. Sayang naman. Hindi man lang tayo prepared.”

Hindi pa man siya tapos sa kanyang pagsasalita ay may mga estudyante nang napapaiyak sa lungkot.

Dahil sa naging reaksyon ng kanyang mga estudyante, ibinunyag na ni Sir Jethro na prank lamang pala ang kanyang announcement dahilan kung bakit kaagad na napahiyaw sa tuwa ang lahat.

Sa pag-viral ng video na ito ni Sir Jethro, hindi lamang papuri ang kanyang natanggap dahil may iilang netizens din na nagpahayag ng kanilang negatibong mga komento na dinipensahan naman niya dahil buong puso umano siyang naniniwala na may mga pagkakataon din para sa kanilang mga guro na gustong malaman kung gaano nga ba talaga kalalim ang relationship sa pagitan niya at ng kanyang students.

“Pero ‘yung nakakatuwa dun is as a teacher, ‘yung nakikita mo na may importansya ka rin pala sa kanila na ayaw ka nilang mawala, ayaw ka nilang umalis ng school kasi may pinagsamahan na kayo,” pahayag ni Sir Jethro.

Nauwi man sa emosyonal na iyakan ang prank ni Sir Jethro Bustamante, malaki naman ang pasasalamat at appreciation niya sa kanyang mga estudyante dahil sobra umano siyang na-touch sa genuine na reaction ng mga ito.

Ysha Red

error: Content is protected !!