Inspiring na kuwento ng anak ng tindera at tricycle driver, pumukaw sa damdamin ng netizens

Inspiring na kuwento ng anak ng tindera at tricycle driver, pumukaw sa damdamin ng netizens

Talagang wala sa bokabularyo ni Joshua Mahilum ang sumuko sa buhay dahil kahit na’y nagmula man sa mahirap na pamilya ay naging posible pa rin para sa kanya na makapagtapos ng pag-aaral. Para sa isang dreamer na sinasabayan ng effort at pagsusumikap ang layunin niyang maabot ang mga pangarap, napukaw niya ang damdamin ng netizens at nagsilbing inspirasyon para sa mga estudyanteng nagsta-struggle rin dahil sa kahirapan.

Credit: Joshua Mahilum Facebook

Pamamasada at pagbebenta sa sidewalk lamang ang tanging kabuhayan ng mga magulang ni Joshua na sina Jennifer at Ramil Mahilum. Dahil sa hirap ng buhay, halos hindi makapaniwala si Joshua nang hikayatin siya ng kanyang ina na mag-aral sa University of St. La Salle sa Bacolod pero dahil sa pagpipilit ng kanyang ina, sinubukan ni Joshua na mag-apply ng scholarship sa mismong university kung saan ay matagumpay naman siyang natanggap.

“I was hesitant at first because, first and foremost, it is very, very expensive, and I did not know how to interact with rich kids, but my mother was persistent and made it possible,” pahayag ni Joshua.

Credit: Joshua Mahilum Facebook

Sa pagtungtong niya sa kolehiyo, ibinahagi ni Joshua na malaking tulong din ang pagiging scholar niya sa DOST. Simula pa man noong siya’y nasa elementarya, isa nang honor student si Joshua at nagawa niya itong maipagpatuloy hanggang college. Sa ipinakita niyang consistency, talagang nanatili ang scholarships at nairaos niya ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, nakabili pa nga siya ng isang lumang laptop at nakapagpa-install ng wifi sa kanilang bahay para sa skwela.

Isang honor student simula pa man noong nasa elementary hanggang grumadweyt na sa kursong Chemical Engineering, mayroon nang naipon na lagpas 30 na medals, dalawang trophies, at daan-daang certificates si Joshua ngayon.

Credit: Joshua Mahilum Facebook

Kung noon ay pangarap lamang ang lahat, ngayon naman ay matagumpay na niyang na-achieve ang kanyang college diploma at kasalukuyang naglalayon na makapagtrabaho sa isang industrial firm.

Dahil sa nakaka-inspire na kuwentong ito ni Joshua, marami sa netizens lalo na ng mga katulad niya na kasalukuyan ngayong naghihirap na ipagsabay ang trabaho at pag-aaral o hindi kaya’y nahihirapan na i-maintain ang kanilang grades upang mapanatili ang kanilang scholarships, nagawa niyang makapaghatid ng motivation at pag-asa.

Credit: Joshua Mahilum Facebook

“To every kid with a dream, don’t let your current condition stop you from reaching them. Just keep on dreaming. Things will change. I promise,” pahayag niya sa ekslusibong interview kasama ang SunStar Bacolod.

Minsan namang sinubok ng kahirapan, hindi naman kailanman sinukuan ni Joshua Mahilum ang kanyang mga pangarap at nagpatuloy lamang sa bawat laban ng buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!