Isang 16 taong gulang na estudyante, naging milyonarya sa pamamagitan ng pag-oonline selling!

Isang 16 taong gulang na estudyante, naging milyonarya sa pamamagitan ng pag-oonline selling!

Bibihira lamang ang mga kwentong maririnig o mababasa kung saan nagkakapera ng malaki at nagnenegosyo ang isang teenager. Sa murang edad ay madalas na naka-focus ang kabataan sa pagtuklas ng mga hobbies, pakikipagsalamuha, at makaramdam ng kilig sa katawan. Ngunit iba ang istoryo ng 16 taong gulang na si Irish Oloris dahil sa kanyang murang edad ay isa na siyang certified milyonarya!

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Simula nang nagkap@ndemya ay mas napagtuunan ng pansin ng karamihan ang kanilang sarili. Marami mang pagbabago na nangyari dulot ng p@ndemya ay naging oportunidad naman ito sa iilan upang ma-improve ang sarili. Isa na lamang sa mga layunin ng karamihan ay ang makamit ang “glow up” na pinapangarap upang mas ma-boost ang kanilang confidence.

Naging patok ang salitang “skin care” lalo na sa mga kababaihan ngayon. Pinagtuunan ng pansin ng karamihan ang sarili at ngayon ay mas inaalagaan ang kanilang mukha. Dahil dito ay napag-isipan ng Grade 10 student na si Irish Oloris na magbenta through online ng mga beauty products.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Dedikasyon at inspirasyon ang naging puhunan ni Irish na sa loob ng isang taon ng pag o-online sell niya ng mga beauty products ay kumita siya ng isang milyon.

Pagkatapos kumita ng isang milyon ay nagkaroon siya ng sariling property sa Zambales. Nagawa niyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagne-negosyo sa pamamagitan umano sa pagbabalanse niya ng mga gagawin at time management.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Sa Kapuso morning show na Unang Hirit ay ibinahagi ni Irish ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagiging successful sa negosyo sa kanyang murang edad.

“Dream at a very young age kasi wala namang limit ‘yan sa lahat eh,” sabi ni Irish.

Bukod sa kumikita siya ay layunin niya na makatulong sa pagpapa-boost ng confidence ang mga taong nawawalan ng pag-asang makamit ang “glow up” na inaasam sa kalagitnaan ng p@ndemya.

Ayon kay Irish ay nanggaling ang kanyang inspirasyon sa nanay na si Irene Oloris na siyang nagpakilala at naggabay sa kanya sa pagnenegosyo.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

“Kailangan magkaroon sila ng proper mindset in terms of business,” sinabi ng ina ni Irish na si Irene.

“Siyempre at her age, iyan iyong tipong kinikilig-kilig muna sa mga crush, di’ba? Doon muna sila mas nakaka-focus pero dahil nga sa nangyaring p@ndemic, Nakita ko kasi iyong mga kabataan ngayon na ‘yung medyo anx!ety, depr3ssion so, iniba ko iyong focus niya at in-introduce ko sa kanya iyong business.”

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Sa kabila ng tagumpay na nakamit ni Irish ay hiling ng kanyang ina na huwag kalimutan ng anak kung saan siya nagsimula, unahin ang Diy0s, at tulungan ang kapwang nangangailangan dahil ang pera ay susunod lamang sa lahat.

“Kapag ang goal niya is to help other people through her business, iyong money talagang susunod at susunod,” sabi ni Irene.

Ysha Red

error: Content is protected !!