Isang 5-taong gulang na Russian-American, naging mahusay sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa pagsisikap sa pagtuturo ng kanyang Pinay yaya

Sa panahon ngayon, parami na nang parami ang mga banyagang gustong matutunan ang wikang Filipino o Tagalog. At maraming mga Pilipino naman ang hindi maiwasang mamangha sa tuwing makakakita sila ng isang dayuhan na mahusay magsalita ng Tagalog.
Credit: 24 Oras Weekend on GMA News YouTube
Katulad na lamang ng isang batang Russian-American na hinahangaan ngayon dahil sa edad na 5-taong gulang ay mahusay na siyang magsalita ng Tagalog.
Viral ngayon ang naturang bata na kinilalang si Nicholas, ang alagang bata ng Pinay caregiver na si Jobel Bautista.
Mahalagang papel ang ginampanan ni Jobel sa pagkatuto ni Nicholas na magsalita ng Tagalog.
Credit: 24 Oras Weekend on GMA News YouTube
Ayon sa ulat ni Mav Gonzalez para sa 24 Oras, natutong magsalita ng Tagalog si Nicholas dahil kay Jobel. Sanggol pa lamang daw kasi si Nicholas ay inaalagaan na siya ni Jobel.
Dahil nga sa tagal nang pag-aalaga ni Jobel kay Nicholas, kaya hindi na nakapagtataka na naturuan niya itong mag-Tagalog.
Ilan lamang sa mga kayang gawin ni Nicholas gamit ang Tagalog ay ang pagbibilang, pagkanta at kahit paggamit ng “po” at “opo” tuwing siya ay magsasalita.
Sabi ni Jobel, “I remind him. When he asks for something like food, I tell him, ‘What will you say?’ He answers with ‘Salamat po.'”
Credit: 24 Oras Weekend on GMA News YouTube
Maging ang paboritong pagkain ni Nicholas ay isang pagkaing Pinoy din. Sinasabing isa sa mga paboritong pagkain ni Nicholas ay adobo.
Ikwenento naman ni Jobel na bago niya tinuruan si Nicholas na mag-Tagalog, humingi muna siya ng pahintulot sa kanyang amo o sa mga magulang ni Nicholas. Sa kabutihang palad, pumayag naman daw ang mga ito dahilan kung bakit ngayon kapansin-pansin na ang kasanayan ni Nicholas sa pagsasalita ng Tagalog.
“Sinabi ko sa mga parent niya na okay lang ba na maturuan siyang magsalita ng Tagalog and then, they are fine!” kwento ni Jobel sa 24 Oras.
Credit: 24 Oras Weekend on GMA News YouTube
Samantala, maraming netizens din ang humanga kay Jobel dahil sa pagtuturo niya ng Tagalog sa kanyang alaga. Komento ng netizens:
“Kabayan is a good teacher because se also has good manners with what she teaches”
“Wow. Nakakatuwa. Iba talaga mag-alaga ang Filipino caregiver. Gob bless you. Ingat po ka’yo palagi”
“Good vibes talaga. Katuwa po good job mam Jobel.”
Credit: 24 Oras Weekend on GMA News YouTube
“Excellent job Yaya…tunay ng pinoy ka.salute about sa u”
Talaga nga namang walang pinipiling lahi ang lenggwahe nating mga Pinoy.
Sa kabila kasi ng pagkakaiba ng lahi ni Nicholas, hindi ito naging hadlang para hindi niya matutunan hindi lamang ang ating lenggwahe kundi pati na rin ang ating mayamang kultura.