Isang babaeng napadaan lang sa mall, effortless na bumirit sa kanta ni Whitney Houston!

Isang babaeng napadaan lang sa mall, effortless na bumirit sa kanta ni Whitney Houston!

Aminin, lahat ng mga kanta ni Whitney Houston ay mahirap talaga gayahin dahil sa matataas nitong tono. Hindi lang naman kasi basta-bastang may talento sa pagkanta ang requirement dahil kinakailangan din siguraduhin na hindi mawawala sa tono ang isang singer kapag bumibirit na kaya talagang hirap ang iilan sa mga sikat na singers at performers dahilan kung bakit gumagawa ang iilan ng ibang version kung saan ay hindi na nila kinakailangan pa na bumirit ng sobra ngunit para sa isang babae sa mall na viral ngayon sa Facebook, effortless lang naman niya itong nagawa!

Credit: Anthony Vargas Ramos Facebook

Akalain mo ‘yun? Kung napapahanga na tayo nina Morisette Amon, Jonalyn Viray, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, at iba pang sikat at tunay na mahuhusay na mang-aawit sa lokal na industriya ng showbiz, tiyak na mapapabilib din ang karamihan kay Ate Girl na nagbigay lang naman ng exemplary na performance sa mall kung saan ay sinabayan niya sa pagkanta ang matandang lalaki na tumutugtog ng piano.

Kasalukuyan ngayong viral sa Facebook ang video ng isang matandang lalaki na tumutugtog sa piano sa mall nang bigla na lamang siyang nilapitan ni Ate Girl at walang patumpik-tumpik na kumanta ng “Didn’t We Almost Have It All” ni Whitney Houston. Makikita sa video na nakatayo lamang si Ate Girl habang may suot na bag na nakalagay sa kanyang harapan ngunit kung bumirit siya sa kanta, tila ba’y nasa isang concert siya!

Dahil sa kanyang nakakabilib na boses at commendable na timing sa tugtog ng piano, talagang naagaw nila ang pansin ng lahat ng tao sa mall. May iilan na napatulala at napapahinto na lamang dahil bibihira lang naman kasi ang makasaksi ng ganitong klaseng performance nang walang bayad.

Maliban sa mga tao sa mall na personal na nakasaksi sa performance ni Ate Girl at ng matandang lalaki, nakuha rin nila ang atensyon ng netizens na nagpaulan ngayon ng praises.

“Lakas! Grabe boses partida on da spot pa!!!”

“Salute to the woman who sings so very well. Bravo ate!!! Akala ko tuloy si Lani Misalucha. Hehe. And to the pianist, hats off to you both. ”

“Pag music lover ka,mapakanta ka talaga.Very nice voice Ma’am at ang galing ni Sir”

“Wow blessed voice…kasama pianist better .”

Credit: Anthony Vargas Ramos Facebook

“Wow! Excellent..ang galing nong tumogtog at kumanta.God bless u both sir and madam.”

Bagama’t ordinaryong mga tao lamang, on par naman ang talentong ipinamalas ni Ate Girl at ng pianist dahilan kung bakit marami sa netizens ngayon ang nagsasabi na dapat silang ma-recognize!

Ysha Red

error: Content is protected !!