Isang community sa US, may bonggang party na hinanda sa retirement ng kanilang paboritong Pinoy mailman!

Kung may mga tao man na malapit sa ating puso maliban sa mga mahal natin sa buhay, ‘yun ay ang mga mailman at delivery men dahil hindi lamang simpleng mails o parcels ang kinokolekta o ‘di kaya’y hinahatid nila dahil nagsisilbi lang naman silang tulay sa pagitan ng isang sender at recipient kaya hindi lamang talaga marangal o simple ang trabahong ginagawa nila kundi ay makabuluhan din.
May mga pagkakataon talaga na bago pa man magsimula ang ating araw ay nararamdaman na natin ang pagod pero gayunpaman, nananatili namang positibo ang outlook nating mga Pinoy dahil pinipili lang naman nating lumaban sa buhay. Sa katunayan, nagagawa pa nga nating ngumiti at ibahagi ito sa ibang tao katulad na lamang ng 65 taong gulang na si Mr. Anthony Vives na isang literal na sunshine dahil kahit sobrang tedious man ng kanyang trabaho bilang isang mailman ay sinisiguro pa rin niyang nakapaglalaan siya ng ilang minuto upang makipagkumustahan at makipag-usap sa kanyang customers na talaga namang nakakagaan sa pakiramdam.
Sa 22 taong pagtatrabaho ni Mr. Vives bilang mailman, napamahal talaga siya sa buong West Hills, ang area na pinagdedeliver-an niya kaya magkahalong emosyon talaga ang naramdaman ng residents nang nalamang magreretiro na siya.
Sa video na ibinahagi ng anak ni Mr. Vives na si Belle sa Tiktok, mapapanood kung paano niya inilaan ang kanyang huling araw sa trabaho. Bagama’t maulan, masasaksihan naman kung gaano siya kasaya sa naging desisyon.
@bellevives Woke up to the most wholesome video from my papa. Almost 30 years of service as a mail carrier. Congrats to my papa for making it to retirement ❤️ and shout out to all carriers and delivery workers out there! #retirement #mailcarrier #usps #papa ♬ original sound – Annabelle Rose Vives
“Okay I’m done. This is it. I’m done. I’m officially retired. Thank you, Lord. I’m done,” maririnig na saad niya sa video.
Sa hindi pag-aakala ni Mr. Vives, pumatok ang kanyang video at umabot pa nga sa ABC 7 na news program sa Los Angales ang wholesome at inspiring niyang kuwento.
Sa pagbabahagi pa ng kanyang anak, sikat at paboritong mailman umano ng West Hills ang kanyang ama dahil palagi umano itong naglalaan ng limang minuto upang isa-isang makausap ang lahat ng kanyang customers na siyang naging dahilan kung bakit sobra itong napamahal sa nasabing community.
Sa retirement ng kanilang paboriting Pinoy mailman, naghanda ang buong West Hills neighborhood ng party para kay Mr. Vives upang maiparamdam sa kanya ang appreciation na meron sila para sa kanya.
“I’m sorry I have to retire because I’m tired and I’m getting old. I’m gonna miss you all,” sabi ni Mr. Vives sa residents ng West Hills.
Bagama’t hindi man madali ang trabaho bilang mailman, labis naman ang pagmamahal na meron si Mr. Vives para sa napili niyang career kaya ngayon, buong-puso talaga niyang na-eenjoy ang kanyang retirement.