Isang couple sa Rizal, naglaan lamang ng 5K sa kanilang wedding!

Isang typical na paraan ng karamihan kapag kasal na ang pinag-uusapan ay ang pagkakaroon ng engrande at bonggang kasal dahil ito ay isa sa mga importanteng events na mararanasan ng isang tao sa kanyang buong buhay pero sa paglipas ng panahon, tila’y unti-unti nang nagbabago ang perception ng iilan sa marriage dahil marami na ngayon ang pumipili na maging practical at rational pagdating sa pagbu-budget.
Credit: Xiong Macabuhay Facebook
Sa panahon ngayon, patuloy nang umaangat ang presy0 ng pangunahing mga bilihin kaya kinakailangan talaga na matuto tayong mag-budget at maging maingat kung saan napupunta ang ating pinaghihirapang pera pero para sa karamihan, may exception ang pagtitipid katulad na lamang ng usapang kasal dahil kinakailangan umano nito maging bongga at memorable pero para sa isang couple sa Rizal, mutual nilang napagdesisyunan na magkaroon lamang ng “low-cost” wedding na matatandaang nag-viral sa social kumakailan lamang.
Credit: Xiong Macabuhay Facebook
Sa interview ng Manila Bulletin, ikinuwento ng couple na si Geejen Berlin Monreal at Jiony Jan Macabuhay na noon pa man ay magkasundo na talaga sila pagdating sa pagba-budget dahil pareho umano silang practical kaya hindi umano naging mahirap para sa kanilang maglaan lamang ng 5,000 pesos para sa kanilang pagpapakasal.
“Actually ‘yung similarities po namin since then, parang nagkakasundo rin kami when it comes to budgeting and mas more on the practical side,” sabi ni Geejen.
Sa breakdown ng kanilang budget, P4,779 lamang ang kabuuang expenses ng couple sa kanilang kasal kaya marami talaga sa netizens ang na-intrigue kung paano ito nagawa ng dalawa dahil usually, mahal talaga ang pagpapakasal.
Typically, bongga talaga ang gown ng bride pero sa case ni Geejen, mas pinili lamang niyang suotin ang dress na iniregalo ng kanyang ina at siya lamang mismo ang nag-ayos sa kanyang buhok pati makeup. Para naman sa bridal car ng couple, mas minabuti na lamang nila na gamitin ang sasakyan ng kanilang pamilya na mismong minaneho ng groom. Imbes na magkaroon ng mamahaling singsing, napagdesisyunan naman nilang pareho na bumili lamang ng couple ring na nagkakahalaga lamang ng 999 pesos!
Credit: Xiong Macabuhay Facebook
Taliwas man sa nakasanayan ng karamihan, inamin naman ni Geejen at Jiony na masaya sila sa kanilang naging desisyon dahil kahit na’y simple lamang ang kanilang kasal, kampante naman sila sa katotohanang nakapag-invest sila para sa kanilang future.