Isang dalaga, abot-langit ang saya at kilig matapos makita muli ang lalaking naka-face mask na nahagip ng kanyang camera

Isang dalaga, abot-langit ang saya at kilig matapos makita muli ang lalaking naka-face mask na nahagip ng kanyang camera

Ngayong panahon ng p@ndemya, mandatory na ang pagsusuot ng face m@sk kaya naman halos hindi na natin makita ang mukha ng mga taong ating nakakasalamuha.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ngunit hindi naman naging hadlang ang pagsusuot ng face m@sk ng isang lalaki para maagaw niya ang atensyon ng isang napakagandang dalaga.

Usap-usapan ngayon online ang storya ng isang dalaga na hinahanap ang lalaking nakasuot ng itim na face m@sk na nakunan ng kanyang camera habang siya ay namamasyal sa isang tianggehan sa lungsod ng Marikina.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Umani nga ito ng maraming atensyon matapos naman itong maitampok sa latest video na inupload ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ang nasabing dalaga na humingi ng tulong sa mga netizen para mahanap ang “the guy behind the black face m@sk” ay kinikilalang si Jessa Ba-at, 21-anyos.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Batay sa kwento ni Jessa, magbubura na siya sana noon ng mga video sa kanyang cellphone nang mapansin niya ang lalaki. Na-cute-an daw talaga siya sa lalaki lalo nang ngumiti ito at lumabas ang pagka-chinito kahit pa natatakpan ang kalahati ng mukha nito ng face m@sk.

Sa pagbabakasakaling mahanap at makita naman muli ang lalaki sa kanyang video, naisipan ni Jessa na humingi ng tulong sa netizens sa pamamagitan ng pag-uupload niya ng video sa kanyang TikTok account.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Dito na nag-viral ang paghahanap ni Jessa sa lalaki dahilan kung bakit nakaabot naman ito sa mga bumubuo ng KMJS.

Sa tulong nga ng programa, kaya muling pinagtagpo ng tadhana sina Jessa at ang lalaki sa video na kinilalang si Christian. Sa pagkakataong ito, hindi na nakasuot ng face m@sk at kitang-kita na ni Jessa ang napakagwapong mukha ni Christian.

Sa panayam naman ng programa kay Christian, inamin niyang kilala na niya si Jessa dahil napapanood umano niya ito sa TikTok. Pero hindi lang pala iyon ang unang beses na nagkita ang dalawa dahil nagkasama na pala sila sa isang beauty pageant taong 2019.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Samantala, maraming netizens naman ang kinilig at napa-sana all matapos magkitang muli sina Jessa at Christian. Komento ng netizens:

“Sobrang kilig ko habang pinapanood ko tong video. Sana all may Destiny. Thank you Kmjs.”

“role ko talaga sa mundo kiligin sa love life ng ibang tao”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

“Ay bat ako kinikilig mapapa sana all nalang ako”

“Wooooow Sana All at Sana may Forever sila Godbless Bagay na Bagay kayo!”

“Feeling teenager tuloy ako. Hahahaha. Ang cute nila”

Sa ngayon, pumalo naman sa mahigit 23 million ang nakuhang views ng ibinahaging video ng programa tampok ang kwento nina Jessa at Christian.

Ysha Red

error: Content is protected !!