Isang empleyado sa hospital sa Cavite, ibinunyag ang sikreto sa pagkapanalo niya sa raffle!

Hindi na naman bago pa para sa pandinig nating lahat kung paano nga ba gumagana ang raffle. Dahil sa sobrang daming tao na sumasali nito, mas nagiging maliit talaga ang ating chance na manalo ngunit tila’y natagpuan na ng isang empleyado sa hospital sa Cavite ang sikreto nito dahil sa kanyang ginawa, napanalunan lang naman niya ang isa sa bigating prizes sa pa-raffle ng kanyang pinagtatrabahuan. Kung ano ito? Alamin!
Walang favorite si Lord dahil sadyang malalakas lamang talaga ang paraan ng iba sa pagma-manifest. Sa tuwing pinag-uusapan ang “law of attraction” ay si Maine Mendoza talaga ang pinakaunang pumapasok sa ating isipan pero ibang manifestation naman ang pinatunayan ng isang empleyado sa Gentri Docs dahil ginamit lang naman niya ang manifestation upang mapanalunan ang isa sa inaasam niyang prize sa pa-raffle sa kanilang Christmas party.
Ilang linggo bago naganap ang kanilang Christmas party, malakas na talaga ang confidence ni Ian Almario na siya ang mananalo ng smart TV. Sa video na ibinahagi niya sa Tiktok, mapapanood na sinusukat na niya ang TV na naka-display sa kanilang office at sinusubukan kung magagawa ba niya itong iangkas sa kanyang motor. Kung noon ay isa lamang itong simpleng “wishful thinking” ni Ian, pinatunayan niyang gumagana ang kanyang manifestation dahil sa mismong party, ang kanyang pangalan lang naman ang nabunot sa raffle!
@yanyan.ph Replying to @@TweetyBird_17 “𝑵𝒐 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝑴𝒂𝒏𝒆𝒇𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈” Part 2 .Thank you Gentri Docs ito pinakaMasayang pasko ko . Part 3 – pano ko dinala sa parking area ang tv haha #fyp #manefesting ♬ The Good Part – AJR
Sa Part 2 ng kanyang video, masasaksihang tahimik lamang siyang nakaupo habang hinihintay ang magiging resulta ng raffle habang ipinapakita ang montage ng nauna niyang video kung saan ay mapapanood siyang sinusukat ang TV hanggang nabunot at tinawag nga ang kanyang pangalan.
“No more manifesting. Thank you Gentri Docs ito pinakaMasayang pasko ko,” sulat ni Ian sa caption ng Part 2 sa kanyang naunang video.
Kahit na’y sobrang confident man ni Ian na mapapanalunan niya ang TV dahil pinaghahandaan na niya kung paano ito iuuwi bago pa man naganap ang mismong Christmas party, hindi naman niya kailanman inakalang magkakatotoo ito kung kaya’t todo talaga sa hiyawan at pagtalon ang kapwa niya employees.
Pagkatapos na pagkatapos niyang napanalunan ang TV, kaagad niya itong kinarga pababa at dahil occupied ang elevator, bumaba talaga siya mula sa rooftop hanggang parking lot.
Dahil sa pangmalakasang manifestation ni Ian, umani na ng milyon-milyong views ang Part 1 at 2 ng kanyang video. Sino nga ba kasi naman ang hindi ma-iinspire sa kanya na pinatunayan lang naman niyang manifestation pala ang sikreto upang manalo sa raffle?