Isang estudyante, natouch sa reaksyon ng kanyang nanay nang magkunwari siyang nasuspende sa eskwelahan

Isang estudyante, natouch sa reaksyon ng kanyang nanay nang magkunwari siyang nasuspende sa eskwelahan

Punong-puno ng talented na mga artista ang industriya ng showbiz pero napakarami ring ordinaryong citizens na may potensyal sa larangan ng pag-arte katulad na lamang ng isang lalaki galing sa Bulacan na nagpamalas ng nakakabilib na talento sa acting-an sa pamamagitan ng ginawa niyang prank para sa kanyang nanay.

Credit: Allane Maverick Barles Facebook

Hindi man kabilang sa mundo ng showbusiness, nagawa naman ni Allane Maverick Barles na maagaw ang atensyon ng netizens. Isa lamang siyang ordinaryong estudyante sa college ngunit dahil sa ginawa niyang prank dalawang taon na ang nakalilipas, hindi niya inakalang papatok ito sa publiko.

Baon ang magandang balita para sa kanyang Mommy Marinel, nais ni Allane na idaan ito sa prank kung saan ay sinabihan niyang nangopya umano siya sa isang exam dahil gusto niyang bumawi sa kanyang quizzes na may mababang scores.

Imbes na magalit ay ikinagulat ni Allane ang naging reaksyon ng kanyang ina. Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at niyakap si Allane habang sinasabing huwag na ulitin ang ginawa niyang pangongopya.

Credit: Philippine Star Facebook

Hindi nagpahalata si Allane sa kalagitnaan ng kanyang prank hanggang nalaman ni Mommy Marinel na hindi pala naglalaman ng letter tungkol sa suspension ng kanyang anak ang ibinigay nitong envelope ngunit isa palang certification ng pagiging achiever ni Allane!

Credit: Philippine Star Facebook

Marso 2020 pa nang ginawa ni Allane ang prank na ito at ngayon na nasa kolehiyo na siya, ipinangako niya sa kanyang Mommy Marinel na magla-lay low na umano siya sa pagiging athlete upang mas makapag-focus pa sa kanyang pag-aaral.
Maliban sa ipinamalas na kahusayan ni Allane sa pag-arte, marami rin ang nagpahayag ng kanilang paghanga tungkol sa pagiging mabait at supportive na nanay ni Mommy Marinel.

Credit: Philippine Star Facebook

Hindi man planado ang ginawang prank, nagawa naman ni Allane na mapaniwala ang kanyang Mommy Marinel at dahil sa simpleng prank na ito, nadiskubre ng netizens ang husay at galing ni Allane sa pag-arte.

Ysha Red

error: Content is protected !!