Isang fully functional na 5.5. sq.m. na bahay, bagong atraksyon ngayon sa Baguio City!

Isang fully functional na 5.5. sq.m. na bahay, bagong atraksyon ngayon sa Baguio City!

Atraksyon ngayon sa isang lugar sa Baguio City ang isang maliit na two-story house kung saan tiyak ay mapapa-w0w ka. Sa lawak kasi nitong 5.5. sq.m. ay kasya rito ang isang functional dining, kitchen, living at receiving area. Mayroon din itong functional na comfort room.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Kamakailan ay naitampok ang nasabing tiny house o maliit na bahay sa isang episode ng Kapuso show na State of the Nation kung saan nakapanayam nila ang nagdisenyo at gumawa ng bahay na si Tonton Papa Tan.

Ayon kay Tonton, mas maliit pa sa isang regular na kwarto ang ginawa niyang tiny house. Isa rin umano ito sa mga maliit na bahay na kumpleto at maaaring tirhan.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

“Ang regular na kwarto nasa 8 sqm, ‘yung mga maliliit na kwarto na binebenta sa Baguio o kaya sa ibang mga lugar ay nasa 6 sqm lamang, pero ito na ang pinaka maliit na complete and liveable house kasya pa sa maliit na kwarto na yun,” bahagi ni Tonton.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Ikwenento naman ni Tonton na ginawa niya ang bahay para sa kanyang mga anak na ngayong panahon ng p@ndemya ay hindi muna nakakalabas. Kung titingnan ay para lamang isang doll house ang ginawang bahay ni Tonton na siyang naging inspirasyon naman niya sa paggawa nito. Hindi nga niya sukat akalain na kasya rito sa ang kanyang buong pamilya.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Tinatayang kasya ang 9 katao sa loob ng bahay dahil sa unang palapag nito pwede ang 5 katao habang sa ikalawang palapag ay kasya naman ang 4 katao. Nasa P200K naman ang kabuuang budget ni Tonton sa pagpapagawa ng nasabing bahay.

Talagang parami na ng parami ang mga nagpapatayo ng mga maliliit na bahay o tinatawag din ngayong ‘tiny house’ na hango mula sa popular na ‘Tiny House Movement.’

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang tiny house movement o tiny house living ay isang uri ng kilusan na nagsusulong ng simple living sa isang smaller space o bahay.

Nauuso nga ito ngayon lalo pa’t sa budget na abot-kaya at sa isang maliit na area lamang ay pwede ka nang makapagtayo ng pinapangarap mong bahay para sa iyong pamilya.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Samantala, maliban sa nasabing tiny house ay mayroong pang isang ‘tiny project’ si Tonton na walang iba kundi isang napakaliit na jeep o tinatawag din niyang ‘Jeepito’.

Ysha Red

error: Content is protected !!