Isang guro nag-viral muli dahil sa kanyang kakaibang strategy sa pagtuturo

Hindi lamang simpleng pagtuturo at pagfu-fulfill sa kanyang responsibilities bilang guro ang ginagawa ni Sir Jeric Maribao dahil baon lang naman niya ang sandamakmak na strategy at methods para lamang ganado ang bawat isa sa kanyang mga estudyante na makinig sa kanyang discussions at matuto.
Credit: Jerics Channel Facebook
Minsan nang nag-viral si Jeric Maribao sa Facebook nang ibinahagi niya ang isang video kung saan ay masasaksihan kung paano niya idinaan sa kanta ang pagpapaliwanag sa mahirap na lesson upang mas madaling maintindihan ng kanyang mga estudyante ang lecture tungkol sa homogenous at heterogenous mixtures. Dahil sa pambihirang strategy ni Sir Jerics sa pagtuturo, kaagad na naantig ang puso ng netizens.
Dahil sa effort at dedication ni Sir Jerics, marami ang na-inspire at nais sumunod sa kanyang yapak. Bukod nito, marami na rin ang sumusubaybay sa bawat update niya at kumakailan nga, muli na naman niyang naagaw ang atensyon nating lahat sa panibago niyang pasabog sa silid-aralan kung saan ay sinalubong at hinikayat niya ang bawat isa sa kanyang mga estudyante na samahan siya sa pagsayaw bago makapasok at ma-claim ang hinanda niyang reward na pagkain at drinks.
Credit: Jerics Channel Facebook
“Grand Entrance of my Pupils. Welcoming my learners with foods, vitamin, zumba dance, and dreams to boost their motivation to go to school everyday,” sulat ni Sir Jerics sa kanyang caption.
Tunay nga naman na may mga pagkakataon na karamihan sa mga estudyante ay pumapasok sa paaralan o classroom na pagod, matamlay o wala sa mood pero bago simulan ang kanyang discussion, sinisigurado talaga ni Sir Jerics na energized at handa ang kanyang students sa pagsabak nila sa panibagong lecture.
Dahil sa effort at pasabog ni Sir Jerics bago simulan ang kanyang klase, kaagad siyang pinaulanan ng papuri, sari-saring komento at reaksyon ng netizens. Iilan lamang sa mga ito ay:
Credit: Jerics Channel Facebook
“Sir super hanga po ako sainyo Sana Po madami ka pa po matulungan n mga bata”
“Galing Sir!!! Inspiring them not just in school but sa whole universe charet. Na may mga responsible kind and dedicated adults! God bless you more Teacher!!”
“very nice teacher!!! Great job!”
“You are very inspiring! Continue to be a blessing to your students. God bless!”
Tunay nga na inspiring ang effort at energy na baon ni Sir Jeric Maribao sa bawat klase niya dahil bukod sa ganado ang mga bata, mas nagkakaroon na rin sila ng motivation na pumasok sa eskwela.