Isang guro, pasado na sa LET matapos ang 18 beses na pagtry na pumasa sa exam!

Isang guro, pasado na sa LET matapos ang 18 beses na pagtry na pumasa sa exam!

Kahit ilang ulit man nabigo, push pa rin nang push ang isang nanay na si Mary Grae Millama Zulueta na viral ngayon sa social media para maabot lamang ang kanyang pangarap na maging isang lisensyadong teacher kahit na’y kinailangan man niyang sumubok ng 18 beses para makamit ito!

Credit: Diane Asanza David Facebook

Tunay nga na mabigat sa ating damdamin kapag nabibigo natin ang ating sarili. Bagama’t may iilan man na nadi-discourage matapos ang isa, dalawa o tatlong beses nilang pagkabigo, may iilan namang mas pinipiling umulit at nagpapatuloy para ma-achieve lamang ang kanilang inaasam na pr0fessional license.

Matapos maka-graduate sa kolehiyo, abala talaga ang karamihan sa pagre-review at paghahanda para sa board exam kaya kapag hindi nakikita ang pangalan sa list ng passers, tunay nga naman na nakakapanghinayang at nakakapanghina ito ng loob ngunit para kay Mary Grace, mas na-inspired lamang siyang doblehin pa ang kanyang pagsusumikap at matapos nga ang 18 niyang pag-ulit sa LET, sa wakas ay isa na siyang lisensyadong guro!

Of course, minsan na ring nadismaya si Mary Grace ngunit para sa kanyang pangarap na maging isang ganap na teacher, lumaban talaga siya para sa kanyang lisensya.

Credit: Diane Asanza David Facebook

“Malungkot at nakakadismaya tuwing malalaman mo na ang lahat ng classmates, co-teachers, kapitbahay, estudyante, pamangkin, apo, at anak mo mismo ay pumasa at licensed na at ako ay hindi pa pero nagpatuloy akong lumaban,” pahayag ni Mary Grace.

Kahit na’y maraming beses nang sumubok at nabigo, nahahati man ang oras sa kanyang trabaho at pag-aalaga ng kanyang mga anak, patuloy pa rin sa pagsubok si Mary Grace dahilan kung bakit maraming puso ang naantig sa kanyang determinasyon.

Sa achievement na ito ni Mary Grace, sobrang bumilib sa kanya ang kanyang kapwa guro at kasama sa pinasukan niyang review center na si Diane Asanza David na matatandaang Top 2 sa LET nito lamang January 2022 dahilan kung bakit nadiskubre ng netizens ang kahanga-hangang pagpupursige ni Mary Grace sa kabila ng pinagdaanan niyang pagsubok.

Credit: Mary Grace Millama Zulueta Facebook

“Ma’am Mary Grace Millama Zulueta ikaw ang nagpatunay na ang pangarap, hindi sinusukuan. Ang lisensiya, hindi lang basta ipinagdarasal, sinasamahan iyan ng pagsusumikap, sakripisyo, at walang sawang pag-aaral. Proud na proud kami sayo,” mensahe ni Diane kay Mary Grace.

Umabot man ng mahaba-habang panahon bago nakamit ang pangarap, dala-dala naman ngayon ni Ma’am Mary Grace ang lessons na siyang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na mas pagbutihin pa ang ginagawa.

Kung noon ay tanging pangarap lamang niyang magkaroon ng lisensya noon, isa na siyang ganap na guro ngayon.

Ysha Red

error: Content is protected !!