Isang inspiring at makabuluhang Friday the 13th experience ng isang magkaibigan, patok sa netizens!

Isang inspiring at makabuluhang Friday the 13th experience ng isang magkaibigan, patok sa netizens!

Karamihan sa atin ay nasanay nang maniwala na sa tuwing sumasapit ang Friday the 13th ay may kamalasan, horror o ‘di kaya’y may sumpa na nangyayari pero tila’y binago naman ng magkaibigang si Atty. Nico Niklaus at Julz Sebastian ang pananaw natin nang ibinahagi nila sa publiko ang baon nilang inspiring at makabuluhang kuwento–isang malaking kabaliktaran sa mga kuwentong madalas na associated tuwing tumutugma ang ika-13 na araw ng buwan sa araw na Biyernes.

Credit: 11:11 Facebook

Ayon kay Nico, hindi umano kumpleto ang bonding sesh nila ng kanyang kaibigan na si Julz kapag walang chikahan at pagma-Maritesan kaya habang kumakain, hindi talaga sila naubusan ng topics hanggang napag-usapan nga nila ang tungkol sa effective na paraan sa pagma-manifest kung saan ay ibinahagi ni Nico ang tungkol sa Mark 11:24 na “whatever you ask in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.”

Sa tanong ng kaibigan kung bakit nga ba niya nagagawang effective ang kanyang manifestations, sagot niya ay “Julz, hindi sinabi na believe that you will receive it. Ang sabi doon, believe that you have received it. So kailangan believe as if nakuha mo na. That’s the key.”

Sa kanilang pag-uusap, napansin umano ni Nico na nakikinig sa kanila ang babaeng nakaupo sa kabilang table hanggang dali-dali itong nagtungo sa cashier at umalis kaya akala nilang pareho na nagkaroon lamang ito ng emergency pero nang hiningi na nila ang kanilang bill sa waitress, napansin niya ang message na nakasulat sa tissue na nakaipit sa receipt holder: “Your presence blessed me today. Proverbs 11:25. I hope you pass your kindness. God bless.”

Noong una’y akala nila sa manager ng restaurant nanggaling ang mensahe pero ayon sa waitress, si Ate Ghorl pala sa kabilang table ang nag-iwan ‘nun at sinagot na rin nito ang kanilang bills na labis namang ikina-shookt ng magkaibigan.

Credit: 11:11 Facebook

Dahil sa kabutihang ipinamalas ni Ate Ghorl, kaagad na napa-search si Nico kung ano ang Proverbs 11:25 na “A generous person will prosper; whoever refreshes others will be refreshed.”

Sa maganda nilang Friday the 13th na experience, forever umano na pahahalagahan ni Atty. Niklaus ang message ni Ate Ghorl na nakasulat sa tissue dahil kalakip daw nito ang “one-of-a-kind story” na nag-iba lang naman sa perception nila ng kanyang kaibigan ukol sa ominous na Friday 13th.

Ysha Red

error: Content is protected !!