Isang Lolo na nagbebenta na lollipops, nagsilbing inspirasyon sa marami matapos siyang makapagpagawa ng sariling bahay

Isang Lolo na nagbebenta na lollipops, nagsilbing inspirasyon sa marami matapos siyang makapagpagawa ng sariling bahay

Naalala n’yo pa ba si Lolo Pops na nag-viral noong nakaraang taon matapos gumawa ng online store para sa kanya ang isa niyang customer? Nakapagtayo na siya ng bahay sa tulong ng libu-libong customer na tumatangkilik sa mga pagkaing ibinebenta niya sa kanyang online store.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Maraming street vendors ang nawalan ng hanapbuhay noong nakaraang taon dahil sa p@ndemya. Kabilang na nga rito si Lolo Pops o Lolo Angelito Gino-Gino.

Nahinto sa paglalako ng mga itinitinda niyang lollipops, polvoron at pastillas si Lolo Pops dahil na rin hindi muna pinapayagang lumabas ang mga katulad niyang senior citizens. Bukod dito, nawalan din ng customers si Lolo Pops dahil tigil muna ang face-to-face classes sa unibersidad kung siya madalas na pumupwesto noon.

Hanggang sa isang customer nga ni Lolo Pops ang nagprisenta na gawan siya ng isang online store para kahit papaano ay maipagpatuloy niya ang kanyang paghahanap-buhay.

Credit: Yannie Yhan Facebook

At kamakailan lang, ipinagdiwang nga ni Lolo Pops ang anibersaryo ng kanyang online store mula nang magsimula ito noong nakaraang taon.

Sa isang Facebook post naman, isang netizen na nagngangalang Yannie Yhan ang nagbahagi ng ilang updates tungkol sa buhay ni Lolo Pops, isang taon matapos magbukas ang online store nito.
Ibinahagi ng netizen na mayroon na ngayong 23.8K followers ang online store ni Lolo Pops.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Bukod dito, ibinahagi din niyang malapit nang matapos ang ipinapagawang bahay ni Lolo Pops.
Ayon pa sa netizen, sementado na ang loob ng bahay ni Lolo Pops. Mayroon na rin umano itong pinto, bintana, grills at maging pintura!

Makikita naman sa isang larawan si Lolo Pops na masayang-masaya nang pinuntahan siya ng nasabing netizen sa araw ng kanyang kaarawan.

Sa huli, nanawagan naman ang nasabing netizen ng suporta para kay Lolo Pops at sa lumalago nitong online store.

Credit: Yannie Yhan Facebook

Panawagan niya, “Wish ko lang sa mga online friends ko na sana #SupportLoloPops kahit share niyo lang shopee link niya super big help na.”

Samantala, umani ng paghanga mula sa netizens ang pagtulong ni Yannie kay Lolo Pops. Komento nila:

“Grabe, ang galing! Thanks Yannie Yhan and family for being such a big blessing kay Lolo Pops! God bless you more”

Credit: Yannie Yhan Facebook

“Galing sis pagpatuloy mo paggawa mabuti sa kapwa”

“Napaka buti nyo po kay lolo pagpalain pa po kayo ni Lord ng sobra sobra”

“Laki po ng naitulong mo sa kanya”

Ysha Red

error: Content is protected !!