Isang mommy, nagbigay good vibes sa netizens dahil sa inawit nitong pampatulog sa anak

Isang mommy, nagbigay good vibes sa netizens dahil sa inawit nitong pampatulog sa anak

Sa video na pinost ni Danieca Arreglado Goc-ong o mas kilala bilang si Dan Vibes, kinanta nito ang isang nursery rhyme na ‘Old McDonald had a Farm’ para mapatulog ang kaniyang anak. Sobrang natuwa at natawa ang mga netizen dahil ginawan niya ito ng sariling lullaby version.

Credit: Dan Vibes Facebook

Kilala si Dan vibes sa nakaka-good vibes na mga video nito kung saan maraming netizens ang natawa dahil sa kaniyang kakaibang paraan ng pagawit. Ilan sa mga video din nito ang kakaibang pagtuturo niya kung paano umawit at ilang mga singing challenge na viral din sa social media.

Ang video na ipinost ni Dan Vibes ay nagbigay aliw sa netizens dahil sa kakaibang paraan niyang ng pagpapatulog sa kanyang anak. Ito ay habang hawak at dinuduyan niya ang kaniyang baby ay inaawit niya ang soft and mellow version niya ng sikat na nursery ryhyme. Kapansin-pansin na umipekto naman ang kakaibang lullaby ni Dan Vibes dahil napatulog niya agad ang kanyang chikiting.

Credit: Dan Vibes Facebook

Humakot ng maraming komento ang naturang video at maraming netizen ang nagsabi na nakakarelate sila sa ginagawa ni Dan Vibes na gagawin ang lahat basta mapatulog lang ang anak.

“Ok lng sana kahit sintunado, ang problema ung frog naging duck nagkwak kwak 😂😂”

“Whatever you’ll sing to your baby when his comfortable at his stage he will surely get fall asleep. As lullabies it never just comes from a good voice , or right lyrics or sweet tunes but a Lovable voice from his own mother.”

“hala.. may snake sa farm.. huwissssh huwissssh everywhere huwisssh 😅😅😅😅”

“Nakakaaliw pag nanay ka tlaga makakacompose ka ng kanta ehhh para makatulog anak mo hahahhahaahhaha”

Credit: Dan Vibes Facebook

“Isang patunay na kahit anung tono at lyrics mahal tayo ng ating mga anak 😅 wala pa yung dancing jan na partner nyan 🤣🤣🤣 no choice kundi matulog 🤣”

Kamaikailan lamang ay nanganak ito. Sa mga bagong video nito, kaniyang pinakita ang ilang karanasan nito bilang isang ina. Maraming nakarelate at nagdulot din ng positive vibes ang mga video na ito.

Ysha Red

error: Content is protected !!