Isang sales agent, kwinento ang sinapit ng pinagtabuyang matandang lalaki na bibili pala ng sasakyan

Isang sales agent, kwinento ang sinapit ng pinagtabuyang matandang lalaki na bibili pala ng sasakyan

Marahil ay importante ang unang impression ngunit importante rin para sa atin na huwag manghusga ng kapwa base lamang sa kanilang panlabas na anyo. Bata o matanda, mahirap o mayaman, maganda at mamahalin man ang suot na damit o hindi, hindi talaga natin awtomatikong nalalaman ang tunay na estado ng isang tao sa buhay kung pagbabasehan lamang natin ang kanilang pisikal na appearance.

Magkakaiba talaga ang daloy ng buhay para sa bawat isa. Kilala o estranghero man, dapat nating piliin ang pagiging mabait ngunit may iilan pa rin na nakakasakit sa damdamin ng iba dahil sa pagiging judgmental katulad na lamang ng nangyari sa Davao City kung saan ay hindi pinapasok ang isang lalaking matanda sa showroom dahil sa kanyang suot na lumang damit at tattered na sapatos.

Credit: Love Dorego Facebook

Ayon sa kuwento ni Love Dorego sa kanyang Facebook post kumakailan lamang, nagpunta umano ang matandang lalaki na kung tawagin niya bilang si “Tatay Manuel” sa isang showroom ngunit kaagad umano siyang tinanggihan at hindi pinapasok dahil sa look nito ‘nung mismong araw na iyon. Nabigo at disappointed sa naging trato ng mga empleyado sa unang pinuntahang showroom, napagdesisyunan ni Tatay Manuel na magpunta sa Suzuki Auto kung saan ay masaya siyang in-entertain ng mga sales agent.

“Last Tuesday, May 17, before going to Suzuki, Tatay Manuel went to ____a’s Showroom, however, he said he wasn’t allowed to get in maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask,” sabi ni Dorego.

Pagkukuwento pa ni Dorego, nag-iinquire umano ang matandang lalaki ng mga sasakyan at nagsabi na babalik umano siya bukas upang bayaran ang napili at nagustuhang sasakyan. Sa hindi niya pag-aakala, bumalik talaga si Tatay Manuel at binayaran ng buo ang isang kulay gold na S-presso.

Credit: Love Dorego Facebook

Dahil sa nakakalungkot na sitwasyong naranasan ni Tatay Manuel sa kabilang showroom, walang pagdadalawang-isip na ibinahagi ni Dorego ang kuwentong ito sa social media upang mapulutan ng makabuluhang aral ng ng karamihan lalo na’t kapansin-pansin ang kawalan ng respeto at pagiging judgmental ng mga tao sa mga panahon ngayon.

“LESSON LEARNED: NEVER UNDERESTIMATE ANYONE. TREAT EVERY PERSON EQUALLY,” pahayag ni Dorego.

Tunay nga huwag dapat nating maliitin ang isang tao base lamang sa kanilang suot na damit, sapatos, at kabuuang look dahil sa likod ng kanilang pisikal na anyo ay ang kanilang tunay na pagkatao at kakayahan sa buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!