Isang Saudi Arabian na saludo sa kabaitan ng mga Pinoy, winner sa puso ng netizens!

Isang Saudi Arabian na saludo sa kabaitan ng mga Pinoy, winner sa puso ng netizens!

Bagama’t magkakaiba man ng pinanggalingan, kinalakihang lugar, at mga paniniwala, napagbubuklod-buklod naman tayong lahat ng pagmamahal dahil tunay nga naman na wala itong kinikilala at pinipiling tao. Hindi talaga biro ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa ngunit upang makamit at makapagbigay ng kaginhawaan sa sarili at sa pamilyang naiwan sa Pilipinas, marami talagang Pinoy ang sumusugal.

Credit: SaudiPinoy Facebook

Sa kabila ng struggles bilang isang OFW, tila’y handang-handa pa rin sila na mag-abot ng tulog, kababayan man o isang foreigner. Sa “social experiment” na isinagawa ni Ahmed Alruwaili nito lamang buwan ng Abril na ibinahagi niya sa kanyang official na page sa Facebook, masasaksihan ang likas na kabaitan ng mga Pinoy na kasalukuyan ngayong nasa Bahrain.

Sa tuwing may dumadaang Pinoy, sinasalubong ito ni Alruwaili at nagpapanggap siya na walang pera upang makahingi ng pamasahe sa bus. Sa na-meet niyang anim na mga Pinoy, walang ni isa sa kanila ang tumanggi sa Saudi Arabian.


Imbes, wala pa nga silang pasubali na nagbigay ng pera. Kapag nag-aabot na ang kapwa nating mga Pinoy ng pera kay Alruwaili, tsaka lamang siya umaamin na may sikretong kamera pala na kumukuha ng video at sinabing “social experiment” ito upang ibahagi ang kanyang dahilan kung ganoon na lamang ka-intense ang pagmamahal niya sa mga Pinoy.

Dahil sa ipinakitang kabutihang-loob ng mga Pinoy na naging parte sa “social experiment” ni Alruwaili, na-touch siya at nagbigay pa nga ng pera sa mga ito. Dahil dito, kaagad naman na nagpahayag ng magagandang komento at papuri ang netizens. Iilan lamang sa mga ito ay:

Credit: SaudiPinoy Facebook

“Filipinos are truly kindhearted! ”

“Yes Filipino people are very great and help full and loyal I respect for them”

“Philippines people are the best loving and caring for others”

“Filipinos,mostly are kind and generous. Proud to say that. God bless !”

Credit: SaudiPinoy Facebook

Kilala si Ahmed Alruwaili dahil sa kanyang open na pagmamahal sa mga Pilipino at sa mga mabuting katangian ng mga ito.

Dahil sa admiration ni Ahmed Alruwaili sa likas na katangian nating mga Pinoy, winner siya sa puso ng netizens!

Ysha Red

error: Content is protected !!