Isaw at ihawan business ng Pinoy na binansagang “Boy Isaw,” patok sa New York!

Hindi lamang pala sa beauty o talento ng mga Pinoy napapabilib natin ang foreigners dahil kahit saan mang bahagi ng mundo ay patok na patok talaga ang Pinoy food at delicacies!
Credit: @boy_isaw Instagram
Isa lamang ang kuwento ng kababayan nating si Robin John Calalo sa mga storyang ipinagmamalaki ng Pinas dahil matagumpay lang naman niyang naipakilala sa New York ang isaw at street food. Dahil nito, hindi lamang ito pumapatok sa foreigners kundi ay isa na sa kanilang ultimate fave na pagkain.
Sa panayam ng GMA News, ibinahagi ni Robin John na nagsimula umano ang kanyang ihawan business sa simple niyang craving. Sa $50 o 2500 pesos ay namalengke siya hanggang napagpasyahan nga niyang damihan sa pagluto at ibinenta.
“So, nag-decide akong mamalengke. May dala akong $50,” pagbabalik-tanaw niya. “Nag-try akong magluto. Dinamihan ko na tapos binenta ko.”
Credit: @boy_isaw Instagram
Of course, hindi naman kailanman inasahan ni Robin John na bebenta ito sa foreigners kaya satisfied na talaga siya sa pagkakaroon ng Pinoy customers dahil kahit papaano, nakakatulong umano siyang maibsan ang pangungulilang nararamdaman ng mga kababayan pero sa pagpapatuloy ng kanyang business, mayroon ng foreigners na bumibili sa kanyang mga produkto na isaw, barbecue, adidas o paa ng manok, betamax, barbecue, tenga sa baboy, manok, hotdog at marami pang iba.
Maliban nito, nagbebenta rin ng rice si Robin John sa halagang $2 o 100 pesos. Nagbibigay dinn siya ng $14 na discount sa tuwing umaabot sa tatlong stick ng kanyang mga produkto ang order ng kanyang mga customer.
Sa tagumpay ng kanyang negosyo, binansagan siyang “Boy Isaw” ng New York. Nagbebenta na rin siya online ng mga ready-to-grill na mga produkto para na rin mabigyan niya ng experience ang customers na magluto nito sa sarili nilang mga bahay.
Credit: @boy_isaw Instagram
Sa mga repost niya sa feedback ng kanyang customers, masasabi naman na sobrang satisfied ang lahat sa kanyang mga produkto kaya hindi na talaga kataka-taka kung bakit mas lalong sumisikat at pumapatok ang kanyang negosyo sa New York.
Sa $50 niyang puhunan, dumoble at trumiple na ang perang kinikita niya bawat linggo dahil pumapalo lang naman ito ng 200k!
Marahil ay marami sa atin ang shookt sa napakalaking pera na kinikita ni Robin John lalo na’t alam naman nating hindi masyadong kumikita ng malaki ang isaw vendors dito sa Pinas pero sa sucess ng kanyang negosyo, matitiyak naman na kakaiba talaga ang impact ng pagkaing Pinoy sa ibang bansa.
Credit: @boy_isaw Instagram
Sa simpleng isaw craving ni Robin John noon, nagsilbi lang naman itong daan upang makamit niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Congratulations, Boy Isaw!