Ito ang nakakaantig na kwento ng isang babae at ng kanyang pumanaw na alagang manok

Ito ang nakakaantig na kwento ng isang babae at ng kanyang pumanaw na alagang manok

Nahanap ng isang babaeng mula Cavite ang tunay na pagkakaibigan at pagmamahal sa isang manok!

Credit: Marielle Custodio Facebook

Viral ngayon ang storya ng unconditional love ni Marielle Custodio sa kanyang alagang manok na si Chichi. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Marielle ang ilan sa mga masasayang litrato niya at ng kanyang pamilya sa sampung taong nilang kasama si Chichi.

13-anyos pa lang si Mariel nang makuha niya si Chichi taong 2011 sa isang fiesta. Hindi na nga nagkahiwalay pa ang kanilang landas ni Chichi at sa bawat mahahalagang okasyon sa kanyang buhay ay kasama niya ito. Gaya na lamang ng kanyang high school at college graduation, at maging noong nagkatrabaho na siya.

Credit: Marielle Custodio Facebook

Nag-post din ni Marielle ng mga litrato ni Chichi kuha sa kaarawan nito kung saan naghahanda pa sila ng maraming pagkain at siyempre, ‘di mawawala ang mga cake para rito.

Bukod sa mga espesyal na kaganapan sa kanyang buhay, ibinahagi rin ni Michelle ang mga espesyal at kakaibang katangian ni Chichi.

“Si Chichi yung klase ng manok na sobrang talino, kapag may papasok sa bahay na hindi kilala, tatakutin nya [tapos] tutukain. Para na talaga syang aso. Kapag sasapit na ang alas dose para [kumain], pupunta sya sa kusina. Pag may nag aaway sa bahay, sumisigaw yan parang gusto nyang pigilan yung nag aaway ba. Pag nakakarinig yan ng tunog ng plastic, humahaba yung leeg nya kasi alam nyang may [kumakain],” dagdag niya.

Credit: Marielle Custodio Facebook

Talagang higit pa sa isang alagang manok ang turing ni Marielle at ng kanyang pamilya kay Chichi. Ngunit noong nakaraang taon ay nagsimula umano itong magkasakit hanggang noong February 23 nga ay hindi nila akalain na tuluyan na silang iiwan ni Chichi.

Hindi biro ang pinagsamahan ni Marielle at ni Chichi kaya naman mami-miss umano niya ito ng sobra.

“Chichi.. mamimiss ko ang mga yakap mo, ang amoy mo, ang presensya mo, ang boses mo.. Miss na miss na kita ngayon palang… I love you so so much, Chichi,” pamamaalam ni Marielle dito.

Credit: Marielle Custodio Facebook

Tunay ngang walang katulad ang mga kwento gaya kina Marielle at ang kanyang unconditional love para sa kanyang alaga na si Chichi at mananatili ito habang buhay.

Samantala, naiyak ang maraming netizens sa nakakaantig na kwento nina Marielle at Chichi. Komento nila:

“Maam, mas grateful po yung manok na kayo ang naging companion nya. Sa idad na po siguro yan maam.

Credit: Marielle Custodio Facebook

“Heart touching..Very inspiring tong kwento ni chichi..”

“Relate talaga ako nito Soo much, same pet,same best friend Po Tau, aga lang namatay dahil nahawaan sa sakit”

Ysha Red

error: Content is protected !!