Kabadong groom, naghatid ng good vibes matapos magkamali sa pagsabi ng kanyang wedding vows

Kabadong groom, naghatid ng good vibes matapos magkamali sa pagsabi ng kanyang wedding vows

Naghatid ng good vibes sa maraming netizens kamakailan lang ang video ng isang magkasintahan na ikinakasal. Ito ay pagkatapos ilang beses na magkamali ang groom habang sinasabi niya sa kanyang bride ang kanyang wedding vows.

Credit: RBN News Television Facebook

Sa isang trending video na may humigit-kumulang 2 million videos na ngayon sa Facebook, makikita ang groom na tila kinakabahan noong oras na para sabihin niya ang kanyang vows.

Marahil nga sa sobrang kaba kaya imbes na “tinitipan kita bilang aking may bahay”, iba ang mga salitang lumabas sa bibig ng groom at ito ay “tinitipan kitang kanyang bahay, na aking bahay, na may bahay.”

Kaya naman ang mga tao sa loob ng simbahan at maging ang pari ay naaliw sa groom na halatang kabado sa mga panahong iyon.

Pabiro pang sabi ng Pari, “House and lot ang gusto mo ha, hindi si Stephanie. Ulit, ulit.”

Credit: RBN News Television Facebook

Sa puntong ito, idinikta na ng pari ang mga dapat sasabihin ng groom ngunit muli na namang hindi tama ang kanyang nasabi. Dito na nga nagdesisyon ang pari na ipabasa na lamang sa groom ang kanyang vows.

“Basahin mo na nga,” saad ng Pari.

Talaga namang sobrang kinakabahan ang groom dahil muli na naman siyang nagkamali at sa halip na “sa hirap” ang kanyang sabihin ay “sa harap” ang kanyang nasabi.

Dahil dito, kaya umalingawngaw ang tawanan ng mga bisita sa loob ng simbahan.

Tila nakahinga naman ng maluwag ang lahat matapos sabihin ng groom ang kanyang wedding vows nang tama sa bandang huli.

Samantala, ikinatuwa ng netizens ang nakakaaliw na eksena sa kasal ng magkasintahan.
At narito ang ilan sa kanilang mga komento patungkol sa paulit-ulit na pagkakamali ng groom:

Credit: RBN News Television Facebook

“funniest na kasalan to congrats tu both of you enjoy god bless”

“Ito talagang ligit sakit tyan ko sakakatawa… He he he congrats both of you.”

“Good 👍 vibes eh!! Sakit tyan ko katatawa 😂🤣😂😂🤣 anyway congrats po”

“Hahaha Tawang tawa ako sa’yo Sir 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣. LMAO, Anyways congrats po…”

“Comedy wedding hahaha.. kaloka kaaaaah.. ng aking BAHAY hahaha 😝”

Ysha Red

error: Content is protected !!