Kasambahay ng vlogger na si Basil Manadil, naging emosyonal sa sorpresang inihanda nito sa kanyang kaarawan

Napakabuti naman talaga ng puso ni Basel Manadili o kilala bilang isang sikat na vlogger sa ilalim ng pangalang “The Hungry Syrian Wanderer” sa YouTube. Sa kanyang kabutihang ipinamalas ay hindi napigilan ng mga netizens lalo na ng kanyang mga fans ang humanga at bumilib.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Kilala sa mga nakaka-inspire at nakakaaliw na videos si Basel. Sikat man ay hindi pa rin nakakalimutang pahalagahan ni Basel ang mga taong tumutulong sa kanya pagdating sa kanyang araw-araw na gawain.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Sa bagong vlog na ibinahagi ni Basel sa ilalim ng kanyang YouTube channel noong Huwebes, Agosto 5 ay makikita ang kanyang paghahanda sa gagawing surpresa para sa kaarawan ng kanyang kasambahay.
Nagpunta sa mall si Basel at pinag-shopping ng marami at mga bagong damit ang kanyang kasambahay. Siya pa talaga ang pumili sa mga ito na mas nagpakita ng kanyang sincerity sa gagawing surpresa.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Nang dumating sa bahay ay nagtungo kaagad si Basel sa kwarto ng kanyang maid. Akala pa niya na natutulog na ito dahil “closed” na umano ang pinto pero nang mas lumapit ay narinig niya ang ingay ng TV at nasabing mukhang nanonood pa ito.
Tinawag ni Basel ng ilang beses ang pangalan ng kasambahay at nang tuluyan na nga itong lumabas sa kanyang kwarto ay sinalubong siya ni Basel at ng kanyang mga kasamahan ng kantang “Happy Birthday”.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Nang napagtanto ng kasambahay ni Basel kung ano ang nangyayari ay hindi nito napigilan ang pag-iyak at tuluyan na ngang naging emosyonal.
“Happy birthday, Annie. Today is a new day, new beginning,” sabi ni Basel.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Kwento pa ni Basel, hindi umano niya alam na birthday ng kanyang kasambahay na si Annie at nalaman niya lamang mula kay Jerus.
“Hindi ko alam pero si Jerus pero nag-send siya sa akin. Sabi ko, ‘Bat kayo mayrong cake and ano?’ Sabi niya, ‘Birthday ni Annie’. Sabi ko, ‘okay, sige mamaya after work (susurpresahin ko siya)’,” sabi ni Basel.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
“She’s shocked, mga tao kasi it’s already late, you hear the crickets sa labas so, naisip ko we’re not gonna make it but we’ll still tried our best. We came even though it’s late and we’re so pagod after work,” dagdag pa ng vlogger.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
“Sobrang saya and sobrang busog. First time at maraming regalo. Thank you very much,” pasasalamat ni Annie, ang kasambahay ni Basel.
Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube
Ayon pa kay Basel ay ito umano ang unang pagkakataon na ipinagdiwang ng kanyang kasambahay ang kaarawan nito kaya ganoon na lamang kasaya si Annie nang sinurpresa siya ng kanyang amo.