Katapatan ng dalawang pulis sa CDO, kinabiliban ng netizens dahil sa pagsauli nila sa nawawalang wallet na naglalaman ng aabot sa 1.2 milyong piso!

Katapatan ng dalawang pulis sa CDO, kinabiliban ng netizens dahil sa pagsauli nila sa nawawalang wallet na naglalaman ng aabot sa 1.2 milyong piso!

Sa tuwing nakakatanggap tayo ng ligaw na pera, bigla na lamang talaga tayong napapaisip kung isa nga ba itong biyaya o isang paraan para masubok ang kabutihan sa ating puso. Marahil ay kapag karamihan sa atin ay nakakahanap ng pitaka na may laman na malaking halaga ng pera ay kaagad talaga tayong nasisilaw na angkinin na lamang ito lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Pero sa mundo na puno ng ganitong klaseng mga tao ay muli naman tayong nabigyan ng pag-asa na mayroon pa palang mga tao na nananatiling tapat sa kanilang paninindigan.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Katulad na lamang ng dalawang pulis na viral sa social media kumakailan lamang dahil sa virtuous nilang ginawa matapos isinauli ang nahanap nilang wallet na naglalaman ng 1.2 milyon!

Sa mga napapabalitang isyu tungkol sa corrupti0n ng mga kawani ng g0byerno sa nagdaang mga taon, unti-unti talaga na nawawalan ng tiwala ang mga mamamayan pero nito lamang, muli lamang napatunayan na may iilan pa rin pala sa kanila na kahit ilang taon na sa serbisyo sa pulisya ay nananatili pa ring tapat sa kanilang panunumpaan at ito ay sina P/SSG. Nathaniel Justiniani at Pat. Neiljun Navarro dahil kahit nasa harap man ng bagay na matinding bumubuhay sa ating temptation ay nangibabaw pa rin ang kanilang katapatan.

Ayon sa kanila, nagpa-patrol umano sila malapit sa isang hotel nang nakakita sila ng wallet na naglalaman ng importanteng mga dokumento katulad ng IDs, ATM cards, at iba pa. Imbes na magpadala sa silaw ng pera, mas pinairal naman ni Justiniani at Navarro ang katapatan nila bilang mga pulis at hindi nag-atubiling ibalik agad ito sa may-ari.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Nang hindi na-contact ang number na nasa IDs ay inilapit na nila ito sa hotel. Mabuti na lamang umano at doon pala nagste-stay ang may-ari ng nawawalang pitaka kaya madali umano itong claim.

Dahil sa kasiyahan at relief ng babae na siyang may-ari ng natagpuan nilang pitaka, napaiyak na lamang ito sa kanilang harap habang walang tigil sa pagpapasalamat.

Ayon kay Navarro, ginawa umano nila ang kabutihang ito dahil sa kanilang “sense of duty” bilang mga pulis.

“Lagi lang nasa isip ang pagseserbisyo sa ating community and iyong saying na ‘a simple act of kindness creates endless ripples,'” sabi ni Pat. Navarro.

Credit: Police Station 3 Agora Facebook

Dahil sa katapatan ng dalawang pulis, hindi lamang nila naani ang paghanga ng netizens dahil nagsilbi rin silang inspirasyon para sa kapwa nila mga pulis na palaging maging tapat sa kanilang serbisyo at sa kanilang panunumpaan.

Ysha Red

error: Content is protected !!