Kauna-unahang babaeng piloto ng Philippine Air Force, ipinakilala na!

Kung kaya ng mga lalaki, kayang-kaya rin ito ng mga babae at kumakailan lamang nang muli na naman itong pinatunayan ni 1L Jul Laiza Mae Camposano-Beran dahil siya lang naman ang kauna-unahang babaeng piloto na ipinakilala ng Philippine Air Force!
Credit: Philippine Air Force Facebook
Sa marami at nagdaang mga taon, madalas nating nakikita na mga lalaki ang nagdo-dominate sa hukbong himpapawid pero tila’y unti-unti nang nagbabago ang panahon dahil ngayon, nare-recognize na ang mga kababaihan katulad na lamang ni 1L Jul Laiza Mae Camposano-Beran na ilang taon din na masugid sa pag-aaral at pagte-training upang maging bahagi sa elite na jet fighters sa Pilipinas o PAF at nito ngang Huwebes, March 31 ay ipinakilala siya bilang ang kauna-unahang babaeng piloto sa hukbo.
Ayon sa PAF spokesperson na si Col. Maynard Mariano, qulaified umano si 1L Jul Laiza Mae Camposano-Beran upang lumipad para sa combat gamit ang AS-211 na siyang ginagamit ng hukbo kapag umaatake o kapag mayroong surveillance missions.
“The PAF made history, having its own, first-ever female pilot fighter on March 30, 2022 from the fifth Fighter Wing at Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga. 1st Lieutenant Jul Laiza Mae B. Camposano-Beran was checked out as the first female AS-211 combat mission ready pilot and wingman,” sabi ni Col. Maynard Mariano.
Ibinahagi rin ng PAF spokesperson na lumipad mag-isa si Camposano-Beran gamit ang AS-211 noong Disyembre, 5 2020.
Credit: Philippine Air Force Facebook
Tunay talaga na isang history ang pangyayaring ito, hindi lamang para kay Camposano-Beran o sa PAF kung hindi ay sa buong bansa kaya naman talagang marami sa ating mga kababayan ngayon ang proud at nagpaabot ng mensahe at pagabati para sa kauna-unahang babaeng piloto ng hukbong himpapawid sa Pilipinas.
Of course, nag-uumapaw din ang kasiyahan ng mga magulang ni 1L Jul Laiza Mae Camposano-Beran sa achievement niyang ito. Sino ba kasi ang hindi magiging proud kapag may ganitong historic na achievement ang anak?
Pagbabahagi pa ni Col. Maynard Mariano, kapag nadagdagan pa umano ang experience ni Camposano-Beran sa pagpapalipad ng AS-211, maaari na umano siyang i-transfer sa FA-50PHs at magagawa lamang umano ito ng piloto kapag nakalikom na siya ng 300 na oras sa pagpapalipad ng AS-211.
Congratulations, 1L Jul Laiza Mae Camposan-Bernan bilang ang kauna-unahang babaeng piloto sa PAF!