Kilalanin ang single mom na ito na napalago ang puhunang P3,500 ng kanyang online business sa mahigit P3-million piso!

Kilalanin ang single mom na ito na napalago ang puhunang P3,500 ng kanyang online business sa mahigit P3-million piso!

Hindi biro ang responsibilidad na ginagampanan ng isang magulang bilang pangunahing tagapagbigay sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak. Mas lalo pang nagiging mahirap ang pagpapalaki ng anak lalo na para sa mga single parent.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Kaya nga doble kayod na lamang ang single mom na si Vannerie Picar para matustusan ang pangangailangan ng isa niyang anak na lalaki sa pamamagitan ng pag-oonline selling.

Hinahangaan ngayon si Vannerie dahil sa kanyang kasipagan at pagpupursige sa pagbebenta ng beauty products online para maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina.

Naibahagi ang kwento ni Vannerie sa Kapuso show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tiyak namang panghuhugutan ng inspirasyon ang kwento ni Vannerie lalo na para sa mga gaya niyang single parent.
Lingid sa kaalaman ng lahat, dating guro si Vannerie ngunit nang magbuntis siya taong 2018 at naging maselan ito ay kinailangan niyang tumigil sa pagtatrabaho.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Mas naging mahirap din ang sitwasyon ni Vannerie matapos siyang lokohin ng tatay ng kanyang anak.

At dahil pahirapan ang paghingi niya ng sustento sa ama ng kanyang anak, hindi na nagdalawang isip si Vannerie at kaagad siyang dumiskarte para sa kanilang mag-ina.

Unang nagtrabaho bilang isang call center agent si Vannerie. Kaya lang kalaunan ay huminto rin siya sa pagtatrabaho dahil kulang ang kanyang sinasahod para tustusan ang pangangailangan nilang mag-ina.

Dahil dito, naisipan ni Vannerie na subukan ang pagnenegosyo. Skin care business naman ang pinasok na negosyo ni Vannerie dahil mabenta umano ito.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Tunay nga namang mabenta ang mga beauty product dahil gamit lamang ang puhunan na 3,500 piso, lumago ang online business ni Vannerie. At sa maniwala kayo’t sa hindi, kumita siya ng mahigit-kumulang 3.4 milyong piso sa loob lamang ng isang taon. Hanep!

Ngunit bago ang tinatamasang tagumpay ngayon ni Vannerie, ilang pagsubok muna ang kanyang pinagdaanan gaya nang mabiktima siya ng bogus buyers. Pag-amin ni Vannerie, halos sumuko na siya noon sa tuwing nabibiktima siya ng bogus buyers.

Laking pasalamat naman ni Vannerie sa video-sharing app na TikTok dahil unti-unting nakilala ang ibinebenta niyang produkto nang i-upload niya ang before-and-after videos ng paggamit niya sa mga itinitinda niyang beauty product.

Agad na dinagsa ng maraming mamimili ang store ni Vannerie dahil sa kanyang mga video at lumago nga ang kanyang puhunan ng mahigit tatlong milyon.

Samantala, huwag naman daw sanang ma-confuse ang marami dahil ayon kay Vannerie, hindi pa siya milyonarya. Ang tinutukoy daw kasi niyang napalaking pera ay “gross sales” o total purchases sa isang taon ng kanyang mga paninda.
Sa huli, may payo si Vannerie sa mga nagbabalak magnegosyo.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Aniya, “Pag-aralan mo yung negosyo mo. Huwag ka lang basta papasok sa negosyo. Tingnan mo kung anong produkto ba ang mabenta, yung pakiramdam mo, kaya mong i-market.”

Ysha Red

error: Content is protected !!