Kuwento sa likod ng heartwrenching na surpresa ng isang OFW sa kanyang mga magulang, alamin!

Dahil sa makabagong teknolohiya katulad na lamang ng Internet at social media, tila’y nakakapag-explore na tayo kahit na’y hindi pisikal na gumagalaw o umaalis dahil sa isang click lamang, maaari na tayong makapunta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at makasaksi ng magkakaibang storya.
Marami na tayong nasaksihang story tungkol sa mga OFW at bawat isa sa mga ito ay talaga namang nakakapukaw ng damdamin at nakakabuhay ng emosyon katulad na lamang ng nag-viral na video sa Tiktok nito lamang kung saan ay mapapanood kung paano sinurpresa ng isang OFW ang kanyang mga magulang nang umuwi ito sa Pilipinas upang makasamang muli ang kanyang pamilya.
Bagama’t kadalasan man ay magkakaiba ang mga storya na ating naririnig tungkol sa mga OFW, may iisa naman silang pagkakapareha at ito ay ang pangungulila nila sa kanilang naiwang pamilya sa Pilipinas kaya kapag may pagkakataon, wala talaga silang pinapalagpas. Matapos ang tatlong taon na pananatili sa Ireland, napagdesisyunan ni Lhuidji na umuwi ng Pilipinas upang makadalo sa birthday ng kanyang Mommy Heidi.
Sa kagustuhan ni Lhuidji na mapasaya ang kanyang mga magulang, nakipagsabwatan siya sa kanyang mga kapatid upang surpresahin ang kanilang parents.
“Sobrang mahal na mahal ko ‘yung Mommy ko and gusto ko na mapasaya siya. I’ve been planning this for a long time. Gusto ko kasi i-surprise ‘yung Mommy ko kasi magseseventy-five siya and it’s my way din para i-express ‘yung love ko sa kanya,” pahayag ni Lhuidji.
@sting89dmz #ofw #fyp #foryoupage #cominghome #ofwfeels #overseasfilipinoworkers #nurse #ireland #fypシ #viral #surprise @loweegee ♬ MAPA – SB19
Dagdag pa niya, “Iyong Mommy po kasi, she loves surprises. Gusto niya ‘yung mga ganitong klase ng events. Medyo ma-drama kasi si Mommy.”
Nagpanggap bilang isang waiter sa nasabing restaurant si Lhuidji sa mismong kaarawan ng kanyang Mommy Heidi. Sa katunayan, napag-usapan pa nga nila ang anak ni Mommy Heidi na nurse umano sa Ireland. Lingid sa kanyang kaalaman, nasa harap at kausap na pala niya si Lhuidji. Dahil sa p@ndemic, hindi nakauwi si Lhuidji sa Pilipinas kaya talagang naipon ang pangungulila ni Mommy Heidi sa anak. Nang nalamang anak pala niya ang kausap na waiter, hindi niya talaga napigilan ang pagiging emosyonal.
Kahit na’y sobrang nangungulila, nagtiis pa rin ng ilang araw si Lhuidji upang paghandaan ng mabuti ang kanyang surpresa na matagumpay naman niyang nagawa dahil sa matinding paghahanda.