Lalaking nagsauli sa natanggap niyang sobrang pera sa ATM, hinangaan dahil sa pagiging honest

Lalaking nagsauli sa natanggap niyang sobrang pera sa ATM, hinangaan dahil sa pagiging honest

Sa hirap ng buhay ngayon, wala na talaga tayong pinapalagpas na opportunities pero kahit na’y tunay man na nakakasilaw ang pera, tila’y hindi naman ito makakapantay sa kabaitan at katapatan ng isang lalaki mula sa Los Baños, Laguna na buong puso lang naman na ibinalik ang sobra-sobrang pera na nakuha niya sa ATM.

Credit: TJ Tenedero Facebook

Marami na tayong naririnig na mga kuwento na ang highlight ay isang mabuti at tapat na tao pero hindi pa rin talaga tayo nasasanay sa tuwing nakakatuklas tayo ng ganitong klase ng storya dahil palagi lang naman nitong pinupukaw ang ating damdamin kaya nang nag-viral ang kuwento kung paano isinauli ng isang lalaki sa Los Baños na si TJ Tenedero ang malaking pera na nakuha niya sa ATM, kaagad talaga na naantig ang puso ng netizens at nagkaroon ng sari-saring papuri.

Ayon sa post ni Tenedero sa Facebook nito lamang nakaraang araw, isinalaysay niya ang nakakagulat na event sa kanyang buhay kung saan ay imbes na 900 pesos lamang ang kanyang matatanggap nang nag-withdraw sa ATM ay 4500 pesos umano ang lumabas.

Kasabay ng kanyang gulat ay ang pagtataka kung bakit umano siya nakatanggap ng ganoon kalaking halaga habang nananatili umanong 900 ang nabawas sa kanyang account kaya imbes na ipansarili na lamang ang ligaw na pera, mas umiral ang kabaitan at katapatan ni Tenedero at dali-dali na isinauli sa banko ang sobrang pera.

“Nataranta ako saka naawa sa pwedeng nawalan ng pera. Baka sa unang nag-withdraw sa akin ‘yun so pumasok ako agad sa bank para ibalik. ‘Di naman sa akin ‘yun,” pahayag ni Tenedero.

Credit: TJ Tenedero Facebook

Pagkukuwento pa niya, baka umano “system error” lamang ito at inakala ng machine na tig-100 pesos ang 1000 bills. Sa malaking halaga na kanyang natanggap, idinaan niya ito sa biro.

“‘Yung 900 lang winidraw mo sa Landbank pero ito nilabas na pera. Ang aga magpapasko ng atm,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang pera na nagkakahalaga ng 4, 500 pesos.

Sa sitwasyon na ‘to, marami talaga ang matutukso sa ganoon kalaking pera pero para kay Tenedero, nangibabaw naman ang kanyang righteousness at honesty.

Credit: TJ Tenedero Facebook

Marahil ay marami man ang kumuwestiyon sa desisyong ito ni TJ Tenedero at may iilan man na nanghihinayang para sa kanya, napanalunan naman niya ang puso ng netizens na labis siyang tinatangkilik at pinapaulan ng positibo at magagandang mga komento ngayon dahil tunay nga naman kasing walang kabyaran ang kapatapan ng isang tao.

Ysha Red

error: Content is protected !!