Lecture na idinaan ng isang guro sa kanta, pumatok sa netizens!

Tunay nga na nakapagpapagaan ng damdamin ang pakikinig sa music at mas nabubuhay rin ang ating energy kaya mayroon talagang nagpapatugtog ng musika sa tuwing abala sila sa ginagawa o hindi kaya’y ginagawa itong paraan upang maantig ang interes ng mga tao katulad na lamang ng isang guro na talagang siniguradong ma-eencourage ang kanyang mga estudyante na makinig sa kanyang leksyon.
Hindi naman lahat ng estudyante ay aktibo sa pakikinig at pakikilahok sa klase marahil ay hindi nila masyadong naiintindihan ang leksyon o sadyang wala lang talaga silang kumpyansa sarili. Isa ito sa mga malalaking problema na nangyayari sa pagitan ng isang guro at ng mag-aaral ngunit para kay Sir Jeric Maribao, tila’y nagawan niya ito ng paraan dahil sa kanyang ibinahaging video sa Facebook na talaga namang pumatok sa publiko kung saan ay mapapanood na punong-puno ng energy ang mga bata.
Base sa ibinabahaging videos ni Sir Jeric sa kanyang Facebook page, masasabi naman na malaki talaga ang pagmamahal niya sa kanyang profession at tila’y malapit ang puso niya sa kanyang mga estudyante dahil makikita naman kasi ang kanyang effort sa bawat lecture at activities.
Nito lamang Huwebes, June 30 nang muling naantig ni Sir Jerics ang puso ng netizens dahil sa kanyang pambihirang strategy sa pagtuturo ng isang mahirap na lesson. Mapapanood sa ibinahagi niyang video na idinadaan niya sa isang kanta ang pagpapaliwanag sa kahulugan at pagkakaiba ng homogenous at heterogenous na mixtures.
Dahil sa pagiging active ng kanyang mga estudyante, may hinandang merienda si Sir Jeric at bago ito ibigay sa mga bata, hinikayat niya ang mga ito na kilalanin muna kung anong uri ng mixture ang pizza at ang juice na confident namang sinagot ng kanyang mga estudyante. Hindi naman kasi talaga biro ang pagiging isang guro lalo na’t hindi lamang sila simpleng nagtuturo dahil parte rin sa kanilang trabaho na tulungan ang kanilang mga estudyante na talagang maintindihan ang lahat ng kanilang itinuturo.
Bagama’t sobrang hirap man ng kanyang lesson, matagumpay naman itong naipaliwanag ni Sir Jeric sa lahat. Dahil sa ipinakita niyang istilo sa pagtuturo, marami ang na-inspire kay Sir Jeric. Iilan lamang sa kanilang mga komento ay:
“I wanna apply this learning style in my future classroom ♡ Thanks Sir Jeric ♡♡♡”
“Good job ,Sir!! I have an idea now how to impart these lesson to my students soon! you are very passionate! Kudos to you,Sir!”
Dahil sa nakakabilib na strategy ni Sir Jeric Maribao sa pagtuturo, inaasahan ng karamihan ngayon na magpapatuloy pa ito at magsisilbing inspirasyon para sa kapwa niya educators.