Lolo vlogger na ipinagdiwang ang pagkakaroon ng 300 subscribers sa YouTube, umani ng libo-libong bagong subscribers sa loob ng isang araw!

Kakaiba talaga ang nagagawa ng social media dahil napagbubuklod-buklod lang naman nito ang mga kamag-anak na malayo at nangungulila sa isa’t-isa at maging ang mga taong kahit hindi man natin kakilala ay napapalapit sa atin katulad na lamang ng Youtube vloggers na kahit hindi man personal na kilala ng lahat ng kanilang subscribers ay nakakapagdulot pa rin sa kanila ng napakalaking impluwensya.
Credit: Lolo Mandoy Fishing Vlog YouTube
Sa paglipas ng mga panahon, pahaba nang pahaba ang listahan ng vloggers ngayon. May mga nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa beauty products, ipinapasyal ang kanilang mga manonood sa kanilang tour at travel na videos, gamers, foodies at marami pang iba. May iilan pa nga na nagbabahagi ng videos na punong-puno ng kaalaman ukol sa farming o ‘di kaya’y sa pangingisda katulad na lamang ni Lolo Mandoy na kumakailan lamang ay nag-viral dahil sa kuwento niyang humaplos sa puso ng netizens.
Walang age limit ang pagsabak sa vlogging dahil bata o matanda man ay welcome na welcome gumawa ng sarili nilang Youtube channel ngunit hindi lahat sa kanila ay nagtatagumpay dahil hindi naman kasi biro ang pagkakaroon ng viewers pero sa effort at patience ng mangingisda na si Lolo Mandoy ay umabot talaga sa 300 ang kanyang subscibers.
Marahil ay maliit lamang para sa iba ang pagkakaroon ng 300 subscibers pero para kay Lolo Mandoy, sobrang dami na nito kaya talagang itunuring niya itong milestone at ipinagdiwang ang achievement na ito.
Sa simple niyang celebration kung saan ay naghanda siya ng pansit plus manila paper kung saan nakasulat ang “Happy 300 subscribers,” lubos na ipinagpapasalamat ni Lolo Mandoy ang lahat ng taong nagpahayag ng kanilang suporta sa bawat content niya.
Contented at grateful sa subscribers na meron siya, wala na talagang iba pang mahihiling si Lolo Mandoy pero tila’y blessing na talaga ang mismong lumalapit sa kanya dahil sa loob ng isang araw, bigla lang naman na trumiple ang kanyang subscribers sa Youtube dahil sa wholesome niyang ginawa para sa 300 niyang subscribers.
Hindi naman kailanman inakala ni Lolo Mandoy na magkakaroon pala ng malaking effect ang simple niyang celebration kung kaya’t ganoon na lamang talaga ang gulat niya nang nasaksihan ang pagdami ng kanyang subscribers.
“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa channel ko at gusto ko rin magpasalamat sa Panginoon. God bless us all,” aniya.
Credit: Lolo Mandoy Fishing Vlog YouTube
Sa ngayon, kasalukuyan ng mayroong 58.3k ang subscribers ni Lolo Mandoy at araw-araw, pinapa-realize talaga niyang tama ang desisyon ng kanyang bagong subscribers na tangkilikin ang kanyang Youtube channel dahil sa kaalamang hatid ng kanyang fun-filled na videos!