Mag-asawang magsasaka, naitaguyod ang pag-aaral ng kanilang walong anak na ngayon ay mga professional na!

Kahanga-hanga ang pagsisikap ng isang mag-asawang magsasaka para maigapang ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang walong anak.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Viral ang kwento ng mag-asawang sina Libelita at Diosdado Cataraja na talaga namang kapupulutan ng inspirasyon matapos nilang mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Ang mismong panganay ng mag-asawa na si Jovy Cataraja-Albite ang nagkwento sa hirap na pinagdaanan ng kanilang mga magulang para lamang mapagtapos silang magkakapatid sa kolehiyo.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Ayon kay Jovy, hindi niya alam kung paano papasalamatan ang kanyang mga magulang na hindi matatawaran ang ginawang pagsasakripisyo para lamang masuportahan silang magkakapatid.
Kwento niya, hindi sila kailanman pinabayaan ng kanilang mga magulang lalong-lalo na ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanilang pamilya.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Magsasaka sa San Remigio, Cebu ang mga magulang ni Jovy at nagsumikap nga ang mga ito upang tustusan ang kanilang mga pangangailangan at pag-aaral na magkakapatid.
Kaya naman taos-puso niyang pinasasalamatan at inaalay ang tagumpay nilang magkakapatid sa kanilang mga magulang na sinuportahan sila mula sa umpisa hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
“Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days,” sabi ni Jovy.
Bilang panganay, isinalaysay naman ni Jovy na may mga pagkakataon kung saan gusto na niyang sumuko. Ngunit nagsilbi umano niyang lakas ang kanyang hangarin na makatulong sa kanyang mga kapatid at magulang.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
“Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up,” mensahe niya sa kanyang mga magulang.
Inamin naman ni Jovy na sa mga panahong hindi niya alam kung saan sila patungong magpamilya, Panginoon ang nagsilbi nilang gabay at lakas.
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Naniniwala rin umano siyang dasal, pagsisikap at pananampalataya ang siyang naging susi para makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Saad pa niya, “Pray, work, believe and it will be given unto you.”
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Jovy ang mga taong tumulong sa kanila.
Aniya, “Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It’s payback time now(dears parents). May our story be an inspiration to others for not giving up on their dreams.”
Credit: Jovy Cataraja-Albite Facebook
Samantala, proud na ibinahagi ni Jovy na mga professional na silang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang na magsasaka. Talaga namang hindi mapapantayan at kahanga-hanga ang sakripisyo ng mga magulang nina Jovy mapagtapos lamang silang magkakapatid ng pag-aaral.