Magkakaibigang singers mula pa ‘nung college, muling nagpakitang gilas sa karaoke

Ilang taon naman ang lumipas, wala pa rin ang makakapigil sa pagiging palaban pagdating sa kantahan ng magkakaibigang singers na nagtagpo noong sila’y nasa college pa lamang kaya naman ang simple nilang karaoke sesh ay nagmistulan nang concert dahil sa pagiging all out nila sa pagkanta.
Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook
Viral ngayon sa Tiktok ang ibinahaging video ni Fedrianne Vilannueva kung saan ay mapapanood siya at ang kanyang mga kaibigan na nag-eenjoy at kumakanta ng “Listen”.
Of course, marami sa netizens ang halos hindi makapaniwala dahil lahat talaga ng kaibigan ni Villanueva ay may talento sa pagkanta, isang katotohanan na bibihira lamang sa atin. Sinu-sino ba kasing grupo ng magkakaibigan ang perpekto at nabiyayaan talaga ng magandang boses?
Sa isang interview kasama ang PhilStar, ikinuwento ni Fedrianne Villanueva na nagkagtagpo at nagkakilala silang magkakaibigan ‘nung college nang nag-audition sila sa isang national na contest sa acapella at simula umano ‘nun, naging mabuting magkakaibigan sila.
Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook
At dahil hindi naman habangbuhay nating makakasama ang ating mga kaibigan lalo na pagkatapos ng kolehiyo, nananatili naman umano ang kanilang communication at mas tumatag pa ang kanilang friendship.
Dahil sa mahaba-habang panahon nilang pagkakawalay, hindi pinalagpas ng magkakaibigan na magkaroon ng reunion nang umuwi ang iilan sa kanila galing sa Dubai at sa muli nilang pagkikita, karaoke sesh talaga ang kanilang unang ginawa lalo na’t pare-pareho naman silang may hilig sa pagkanta.
Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook
Sa pag-aakala ng karamihan na isa lamang simpleng karaoke session na may mapipiyok at mawawala sa tono, pinatunayan ng magkakaibigan ang kanilang kahusayan sa pagkanta kung saan ay nagpapasahan sila ng mic sa bawat linya ng kantang “Listen” ni Beyoncé.
Pak na pak at flawless talaga ang pagkanta ng grupo ni Villanueva ng “Listen” kaya talagang naagaw nila ang atensyon ng netizens.
“Ang gagaling at Gaganda ng Boses nyo Lahat, ilan ulit ko pinanood ito super enjoy po sarap sa tenga ng boses nyo lahat 🥰🥰🥰”
“Ito talaga yung friendship goals eh. 🥰”
“super galing another song please ……..”
Credit: Fedrianne Quilantang Villanueva Facebook
Sa ngayon, professional na sa napiling field ang mga kaibigan ni Villanueva pero kahit na ganoon, may special na part umano sa kani-kanilang puso ang pagkanta na siya ring bonding nilang magkakaibigan.
“We’re composed of teachers, voice coaches, engineers and entertainers,” saad ni Villanueva.
Dahil sa kanilang nakakamanghang performance, marami sa netizens ang nagbiro na kung sila man ang susunod na grupo sa karaoke ay mapapasabi umano sila ng “Paki-cancel na lang ng next song please” dahil masyado binago lang naman nila ang standard ng pagka-karaoke!