Magkasintahan sa loob ng 9 na taon, parehong grumadweyt na may Latin honors!

Magkasintahan sa loob ng 9 na taon, parehong grumadweyt na may Latin honors!

Ano pa nga ba ang mas itatamis sa katotohanang magkasama lang naman kayong grumadweyt ng iyong kasintahan na itinuring mo na sa isa sa iyong mga sandigan sa lahat ng hamon na nadadaanan at na-eexperience sa kolehiyo?

Credit: Angel Nicole Pineda Facebook

Kung ayon sa iba ay distraction sa pag-aaral ang pagkakaroon ng love life lalo na sa college, pinatunayan naman ng magkasintahang Thomasian na hindi ito balakid kung ituturing ang isang relationship bilang inspiration na magtutulak sa atin na magpatuloy sa pag-abot ng ating mga pangarap at kabilang na nga rito ay ang pagtatapos sa kolehiyo.

Marahil ay cliche na itong pakinggan ngunit nakakaramdam pa rin tayo ng kilig sa tuwing nakakasaksi o nakakaalam ng mga kuwento tungkol sa isang couple na matagumpay na nalagpasan ang lahat ng hamon sa college at magkasabay na grumadweyt katulad na lamang ni Angel Nicole Pineda at Kyle V. Pablo na kumakailan lamang ay nakapagtapos sa kursong BA Communications at Business Administration major in Marketing Management sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Credit: Angel Nicole Pineda Facebook

Sa post ni Angel Nicole sa Facebook, ikinuwento niya ang naging journey nila ng kanyang boyfriend na si Kyle noong sila’y mga estudyante pa lamang hanggang grumadweyt nga sa college.

“It still feels surreal to look back and realize how far we’ve come. From grade 8 pabebe days to binge watching “Playful Kiss” during shs, and to our almost 5mins catch-up makita lang ang isa’t isa amidst the overlapping scheds, we finally made it,” pagre-reminisce ni Angel Nicole kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan nila ng boyfriend.

Iilan sa mga ito ay kuha pa noong nasa high school pa lamang sila. Of course, isa sa best part ng kanilang journey ay ang pagiging Latin honors nila kung saan ay grumadweyt bilang Magna Cum Laude si Angel Nicole habang Cum Laude naman si Kyle.

Credit: Angel Nicole Pineda Facebook

Ayon kay Angel Nicole, “Our hardwork truly paid off and I couldn’t be any prouder as we both finished our degrees with Latin Honors.”

Maliban sa kasiyahan niya sa isang dekada niyang pagste-stay sa UST, malaking contribution din sa kasiyahan ni Angel Nicole ang relationship nila ng boyfriend na umabot ng siyam na taon!

Credit: Angel Nicole Pineda Facebook

Pahayag niya, “It has been one hell of a ride, my love. A decade with UST was already amazing, but spending 9 years of it with you made it more special. Thank you for all the beautiful and crazy moments. Excited for what’s to come!”

Ysha Red

error: Content is protected !!