Mall-goer at promodizer, nag-viral sa Facebook dahil sa galing sa duet na pagkanta

Wala talaga tayong ni isang clue kung ano ang mangyayari sa ating buhay. Maaaring bukas ay makaranas tayo ng kamalasan at makaramdam ng matinding pagkabigo. Maaari rin naman naman na suwertehin tayo o hindi kaya’y makatanggap ng isang biyaya na forever nating pahahalagahan.
Credit: Cebu-South Travel Vlogs
Either way, huwag sana tayong mawalan ng kumpyansa at tiwala sa sarili dahil dadating at dadating din ang panahon na pasasalamatan natin ang lahat ng bagay na lumipas at ang lahat ng mga bagay na mangyayari pa.
Matatandaan kumakailan lamang nang nag-viral ang video ng isang babaeng namimili sa mall at ng isang promodizer na kumakanta ng “The Prayer”. Noong una ay talagang aakalain nating mall show ang naging performance ni Riolyn Tuhay at Jhon Saban pero ‘yun pala, hindi pala magkakilala ang dalawa at inaming biglaan lamang ang kanilang pagsabak sa biritan.
Dahil sa nahakot nilang atensyon mula sa mall-goers at netizens na saksi sa kanilang impressive na duet, featured sila sa GMA News nito lamang ika-10 ng Agosto.
“Biglaan lang po. Hindi po kasi kami nag-expect na kakanta po kami,” saad ni Riolyn.
Credit: Cebu-South Travel Vlogs
Ayon naman kay Jhon Saban na mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho sa mall bilang isang promodizer, hindi rin niya kailanman inasahang makakaagaw ng atensyon ang kanilang naging performance.
Aniya, “Hindi ko po inaasahan na ganoon po kadami ‘yung manonood. Paglingon ko po sa likod, hala ang dami!”
Credit: Cebu-South Travel Vlogs
Pagkukuwento pa ni Riolyn, 9 na taong gulang pa lamang siya nang nag-umpisa na siyang sumali sa mga singing contest. Ayon sa dalaga, namana umano ang kanyang hilig sa pagkanta sa kanyang lolo habang si Jhon naman ay unang nagkaroon ng interes sa pagkanta dahil sa kanyang ama. At dahil sobrang dami ang bumilib at nahumaling sa instant na duet ng dalawa sa mall, muling nabigyan ng pagkakataon si Riolyn at Jhon na i-showcase ang kanilang talento kaya mutual umano nilang napagplanuhan na magkasama nilang itutuloy ang kanilang career sa pagkanta.
Credit: Cebu-South Travel Vlogs
“Kung ito na po ‘yung ibinigay ng Panginoon sa amin, na ito na po ‘yung start, itutuloy po namin hanggang sa huli,” sabi ni Jhon.
Credit: Cebu-South Travel Vlogs
Of course, hindi naman basta-basta lamang ang pag-angat sa kasikatan pero dahil sa atensyong nakuha ni Riolyn Tuhay at Jhon Saban sa kanilang instant na duet, itinuturing nila itong start sa kanilang pag-emerge sa showbiz bilang duo.