Mga cake na mayroong Christmas design, patok na pagsaluhan ngayong darating na Pasko!

Mga cake na mayroong Christmas design, patok na pagsaluhan ngayong darating na Pasko!

Hindi maikakailang marami sa atin ang excited na para sa darating na Pasko. Ngunit ang tanong, nakaisip na ba kayo ng mga ihahanda ninyo sa darating na Noche Buena? Ilang araw na lamang kasi ay magpa-Pasko na at marami sa atin ay todo na ang preparasyon para sa nalalapit na Noche Buena o hindi naman kaya sa kanilang mga dadaluhang Christmas party.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Isa nga sa mga perfect na pagsaluhan ngayong Pasko kasama ang ating mga pamilya at kaibigan ay ang mga sikat na Christmas-themed cake na pinagkakaguluhan ngayon ng marami.

Tunay nga namang hindi mawawala sa bawat espesyal na okasyon ang cake. Kahit anong okasyon kasi ay palagi itong makikita sa mga lamesa.

Noong nakaraang linggo naman ay naitampok sa Kapuso program na “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang katakam-takam na Christmas cakes na gawa ng negosyanteng si Nica Casta.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Iba’t ibang klase ng Christmas cakes ang ginagawa ni Nica tulad na lamang ng White Christmas-themed cake na isa sa kanyang mga specialty.

Kwento ni Nica, naisipan niyang gumawa ng cake hango sa popular na White Christmas upang matupad niya ang pangarap ng maraming Pinoy na maranasan din ito.

Credit: @amberlynskitchen Instagram

“Naisipan ko siya kasi halos lahat ng batang Pilipino talaga parang pangarap nilang magkaroon ng White Christmas…Makita man lang nila ‘yung cake. Maranasan man lang nila yung snow kahit man lang sa mesa nila,” bahagi ni Nica sa programa.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ilan sa bestseller Christmas cakes na gawa ni Nica ay Snow Globe Cake, Christmas Garland Cake, Strawberry Santa Cake at Christmas Treats Cake.

Bukod sa napakasarap ng mga ito, mawiwili ka rin sa Christmas cake toppers na nilalagay ni Nica sa kanyang cakes na talaga namang magpaparamdam sa’yo na Pasko na!

Mabibili naman ang mga Christmas cake na gawa ni Nica sa halagang P1000 hanggang P1500.

Credit: @amberlynskitchen Instagram

Talaga namang mas me-‘merry’ ang pagdiriwang natin ng Pasko dahil sa mga masasarap at swak sa bulsang mga Christmas cakes na ito.
Kaya naman hindi maiwasan ng maraming netizens na matakam sa patok ngayong Christmas cakes. Komento nila:

“Wow Krismas na krismas na ang cake na yan galing naman sarap!”

Credit: @amberlynskitchen Instagram

“I love santa cakes”

“Wow! I love it! It’s yummy….”

Ysha Red

error: Content is protected !!