Mga netizen, kinilig sa mala-pelikulang wedding proposal na ginawa habang nasa himpapawid ang eroplano

Mga netizen, kinilig sa mala-pelikulang wedding proposal na ginawa habang nasa himpapawid ang eroplano

Hindi lamang sa salita natin naipapahayag ang ating pagmamahal dahil kinakailangan din na maiparamdam natin ito sa pamamagitan ng ating actions pero sa pag-viral ng kakaibang proposal ng isang lalaki sa kanyang girlfriend, tila’y binago lang naman ni Paolo Emmanuel Magsino ang definition ng salitang “effort”.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Magkakaiba tayo ng mga hilig. Hindi rin magkakapareho ang ating preferences lalong-lalo na pagdating sa proposal dahil kung karamihan sa atin ay mas gusto ang simple, mayroon namang iba na naglalaan talaga ng effort at isa na nga sa mga ito ay si Paolo na nilupig lang naman ang kanyang takot sa heights upang gawing memorable ang paghingi niya sa kamay ng kanyang girlfriend na si Ailla Nolasco.

“To be honest, takot nga ako sa heights diba? Pero ngayon nasa 20, 000 feet tayo just to prove my love to you,” pagco-confess ni Paolo sa harap ng mga katrabaho ni Ailla at sa lahat ng mga pasahero.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Dahil sa effort at sincerity ni Paolo upang maipahayag ang kanyang pagmamahal sa girlfriend at sa paghingi ng kamay nito sa pagpapakasal, hindi lamang talaga si Ailla ang na-touch sa kakaibang proposal na ito ni Paolo dahil pati ang lahat ng saksi ay inatake rin ng matinding kilig kaya nagsigawan at naghiyawan talaga ang lahat nang sinagot siya ni Ailla ng “yes”.

Bago naganap ang himpapawid proposal, ibinahagi ni Paolo na nakipag-coordinate umano siya sa AirSwift Airlines na masigasig naman siyang tinulungan mula sa pagpaplano hanggang sa mismong araw ng flight kung saan ay walang kamalay-malay si Ailla na isa lang palang cover-up ang pagmo-model niya para sa isang marketing shoot ng AirSwift. Hindi rin niya alam na isa pala ang kanyang boyfriend sa mga pasahero.

Maingat at matinding pagpaplano talaga ang ginawa ni Paolo sa proposal niyang ito dahil maliban sa sweet niyang confession, ipinahayag din niya ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa girlfriend sa pamamagitan ng kanyang effort na masasaksihan naman ito sa pag-conquer pa lamang niya sa kanyang takot sa heights.

Credit: Paolo Emmanuel Magsino Facebook

Sa video na ibinahagi ni Paolo sa Facebook kumakailan lamang, mapapanood ang buong process ng kanyang himpapawid proposal na kasalukuyan na ngayong umani ng 13,000 reacts, daan-daang shares, at libo-libong komento mula sa netizens na labis na kinilig at bumilib sa A+ effort ni Paolo.

Ysha Red

error: Content is protected !!