Morisette Amon, nag-react sa cover ni Sabrina Millare sa kanyang kanta na “Akin Ka Na Lang”

Morisette Amon, nag-react sa cover ni Sabrina Millare sa kanyang kanta na “Akin Ka Na Lang”

May mga tao talaga na sa napakamurang edad ay nadiskubre na ang kanilang talento. Of course, unang puntahan talaga ng batang singers at dreamers ay ang karaoke kung saan ay buong puso silang bumibirit. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang simpleng karaoke sesh ng batang si Sabrina Millare ay magbubukas pala ng malalaking opportunities at siyang naging daan upang mapansin siya ng kanyang idol na si Morisette Amon.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Unang nakilala ng netizens si Sabrina Millare nang nag-viral ang video niya dalawang taon na ang nakakalipas kung saan ay mapapanood at maririnig siyang kumakanta ng “Pangarap Ko Ay Ibigin Ka” na isang orihinal na kanta ni Regine Velasquez. Dahil sa atensyong naagaw at mga papuri na natanggap niya, naisipan ni Sabrina na gumawa ng sariling Youtube channel kung saan ay patuloy siya sa pagco-cover ng iba’t-ibang mga kanta.

Sa kanyang patuloy na pagsikat, naging daan din ito upang mapansin siya ng kanyang idol na si Morisette Amon na personal na nag-react sa cover ni Sabrina sa kantang “Akin Ka Na Lang”.

“Galing! Very nice control. I think that’s one thing na even ako when I’m singing ‘Akin Ka Na Lang,’ especially sa first part kasi sa placement… it trained me how to be more in control of my voice, be more restrained,” komento ni Morisette.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Sa pagbirit at pag-whistle ni Sabrina, hindi napigilan ni Morisette na mapanganga sa bilib. “Wow! 100 percent. Good job.”

Kahit na’y nakaupo lamang at medyo distracted sa binabantayang baby, kontrolado pa rin ni Sabrina ang kanyang boses na siyang labis na hinangaan ni Morisette.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

“Gusto ko lang i-acknowledge na ‘yung version niya, pang-Wish Bus. Nakaupo. Sobrang galing niya. Actually, sobrang na-maintain niya ‘yung sobrang controlled na birit,” saad ni Morisette.

Sa ngayon, kasalukuyang may mahigit 23, 000 subscribers na si Sabrina sa Youtube at patuloy din siya sa pagpapamalas ng kanyang husay at galing sa pagkanta.

Credit: Sabrina Millare Channel YouTube

Bilang throwback, muli niyang ibinahagi ang nag-viral na karaoke sesh niya habang kumakanta ng “Pangarap Ko Ay Ibigin Ka” kung saan ay nakatanggap siya ulit ng positibong mga komento galing sa netizens.

“Goosebump is real…..keep going little girl….you have really an amazing and a beautiful voice…”

“I love your voice… Enjoy your journey in music…”

“ang galing galing naman ng batang to,you’ll have a bright future ahead,congrats and ingat”

Minsan nang nag-viral at ngayon ay patuloy sa pagpapabilib sa Youtube, talagang masasabi na napakaliwanag ng kinabukasan ni Sabrina Millare upang maging isang professional na singer!

Ysha Red

error: Content is protected !!