Nagviral na 10-year-old na batang si Reymark Mariano, natupad na ang hiling na makapiling ulit ang kanyang ama

Hindi pangkaraniwan para sa isang 10 taong gulang na bata na magbanat ng buto upang may makain sa araw-araw. Kadalasan sa mga batang nasa parehong edad ay nag-aaral at naglalaro lamang pero sa sitwasyon ni Reymark Mariano, napilitan siyang mag-araro upang may makain at mabuhay.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Sa murang edad ay naging mahirap na ang buhay ni Reymark. Sa kabila ng batang edad ay ganap ng mature ang kanyang pag-iisip at sinalo ang responsibilidad sa pamilya na sana ay sa mga magulang.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Nang i-feature si Reymark sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay maraming naantig na mga manonood at nagpaabot ng tulong. Nakatanggap siya ng mga donasyon sa mga taong nais gumaan ang buhay niya. Nakilala rin siya ng karamihan dahilan para mas dumami pa ang nagbigay ng tulong. Dahil sa mga donasyon at tulong ng mga tao na naantig sa kanyang storya ay hindi na siya ulit sumabak sa pag-aararo at ibinahagi pa ang mga natanggap na mga tulong sa mga taong nangangailangan sa kanilang lugar sa Sultan Kudarat.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Dahil sa malawak na impluwensya ng programa ay nagsilbing daan din ito upang magkita ulit sila ng kanyang ina na noo’y iniwan siya at ang kanyang mga kapatid sa kanilang Lolo’t Lola. Naging emosyonal naman si Reymark nang makita ulit ang ina na ilang taon niyang hindi nakita.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Sa isang iglap, nagbago ang buhay ni Reymark ngunit sa kabila ng lahat ng mga magagandang nangyari sa kanya ay may isa pa ring kulang.
“Nagawa ko pong mag-araro dahil lang sa kanya. Gusto ko sana na makasama siya. Miss ko na, Ma’am dahil napapagod na rin po akong mag-araro dahil lang sa kanya. Kung nandito lang po siya, hindi na po ako gagawa ‘nun,” emosyonal na salaysay ni Reymark kung saan tinutukoy niya ang ama na si Rene Boy na mahigit isang taon na niyang hindi nakakapiling mula noong nagtago ito.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Dahil sa biglaang paglaho ni Rene Boy bago maabutan ng pulisya ay pending lamang sa ngayon ang kanyang kas0 pero nito lamang Lunes ay sumuk0 ang ama ni Reymark sa mga awtoridad. Ayon kay Rene Boy, napilitan daw siyang lumantad matapos mapanood ang panawagan ng anak na si Reymark.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
“Nasaktan talaga ako noong nakita siyang nag-aararo,” pahayag ni Rene Boy.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Aminado naman si Rene Boy sa lahat ng kanyang mga pagkukulang bilang isang magulang pero malaki ang naging pasasalamat niya nang matuklasang hindi nagbago ang tingin ng kanyang anak na si Reymart sa kanya.
Naging emosyonal ang mag-ama nang nakita muli ang isa’t-isa sa kalagitnaan ng interbyu matapos ang isang taon.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
“Masaya ako na nandito siya,” sabi ni Reymark at malaki ang pasasalamat niya sa programang KMJS sa pag-uwi sa kanyang ama sa piling nilang magkakapatid.